Translate

Friday, July 24, 2009

Maralitang nanay laban kay 'Gloria Labandera', magsasampay ng mga damit na may panawagan sa Quezon Avenue

Magsasagawa ng kakaibang pagkilos ang mga maralita sa mga komunidad ng North Triangle sa Quezon City para makiisa sa malawak na hanay ng sambayanang tumututol sa pakanang Charter Change ni Arroyo, dalawang araw bago ang SONA ni Gloria.

Magsasabit ang mga nanay sa labas ng komunidad ng San Isidro ng mga damit na may panawagang “TRABAHO, KABUHAYAN AT PAGKAIN SA MESA, HINDI TERM EXTENSION AT CHACHA!”, at iba pa na nagpapahayag ng mga pangunahing suliranin ng maralitang lungsod sa ilalim ng isang dekadang panunungkulan ni Arroyo. Isang mahabang sampayan ng mga damit ang itatali ng mga maralita sa tabi ng Quezon Ave, kasabay ang pagtatayo ng isang kubol na may panawagan ng pagkilos sa Hulyo 27 sa State of the Nation Address ni Gloria.

Ani Evelyn Monicario, tagapagsalita ng Samahan ng Maralita Laban sa Tanggalan at Kawalan ng Hanapbuhay - Kalipunan ng Damayang Mahihirap (MARALITA-Kadamay) San Isidro Chapter, “Sa loob ng isang dekadang panunungkulan, si Gloria Labandera ay kumulimbat ng milyon-milyong halaga mula sa pera ng taumbayan, habang milyun-milyong maralitang nanay ang nananatili pa ring labandera at naghihikahos sa sobrang kahirapan."

*************************************************************
BUKAS, July 25, 10 AM
Sa harap ng Phil. Children's Medical Center, Quezon Avenue
Media Coverage is Requested.
*************************************************************

Please contact Miguel Ortega of Kadamay-North Triangle (0912.537.1610) for this activity. Thanks.

No comments:

Post a Comment