The largest alliance of urban poor organizations in the Philippines, carrying out a long-term struggle for the eradication of poverty and for a just, free, and prosperous society.
Translate
Monday, August 17, 2009
Yaman at Luho ni Gloria, Insulto sa Masa!
FOR MORNING (August 17) RELEASE
Reference: Jon Vincent Marin, PIO, Kadamay | 0910.975.7660
(Pahayag para sa isasagawang protesta ang Kadamay ngayong ala-una ng hapon sa Mendiola, tampok ang gagawing pagsunog sa isang effigy ni Gloria na anyong-lobster, simbolo ng mga mamahaling hapunan sa US, at nalilibutan ng limpak-limpak na salapi, para sa di-maipaliwanag na higit-pagdoble ng kanyang yaman, ayon sa kanyang SALNs)
"Kay Gloria ulang (lobster), sa maralita, kulang"
Yaman at Luho ni Gloria, Insulto sa Masa!
Patalsikin si "Pang-Luhong" Arroyo, anang grupo
Ang higit-pagdoble ng net worth ni Pangulong Arroyo, mula pagkakaluklok niya noong 2001 tungo sa halagang P143.54 M ngayon, kasabay pa ng mga balita tungkol sa mamamahaling mga hapunan ng kanyang grupo sa US kamakailan, ay malaking insulto sa mamamayang Pilipino. Sa harap ng matinding kahirapan at kagutuman sa bansa, hindi lang iskandaloso o dekadente, kundi mismong isang krimen ang ganitong yaman at luho ng isang namumuno.
Lalong umiigting ang panawagan ng mga maralitang lungsod, sa pamumuno ng Kadamay: patalsikin si "Pang-Luhong" Arroyo, at sa lalong madaling panahon. Hindi dahilan ang ilang buwan na lang niyang (sana) pananatili sa pwesto, upang palagpasin pa ito ng taumbayan. Malaki-laki pa ang pwede niyang kitain, at hindi biro ang ilang buwan pang paghihintay ng mga maralita, sa matinding hirap at gutom, para sa pagbabago.
Mga paghahambing:
Kitang malaki ang diperensya:
Gloria: P10.97 M ang kinikita taun-taon (on average) mula 2001
Maralitang-lungsod: P3,000-P4,000 buwan-buwan (P150-200 kada araw), sa karaniwan
P76.74 M inilobo ng net worth ni Gloria, mula naging pangulo noong 2001: katumbas ng 1,900 taong pagkayod ng isang maralitang-lungsod
Halaga ng dalawang hapunan ng grupo ni Gloria sa Washington at New York ($15,000 at $20,000): katumbas ng pagkain sa loob ng isang araw (agahan, tanghalian at hapunan) ng 10,080 maralitang pamilya
1 bote ng champagne sa Bobby Van's Steakhouse, kung saan nag-hapunan ang grupo ni Gloria sa Washington, DC ($575): katumbas ng 1,500 kilo ng murang bigas (P18.25/kilo)
1 steak sa Bobby Van's ($42): makakabili ng 288 pakete ng noodles (P7/pakete)
Datos hinggil sa kahirapan at kagutuman:
Self-Rated Food Poverty (SWS, August 4): 39%, 7.2 M pamilya
Self-Rated Poverty: 50%, 9.3 M pamilya
Nakararanas ng Involuntary Hunger (SWS, July 26): 20.3%, 3.7 M pamilya
Moderate Hunger (minsan o ilang beses sa huling tatlong buwan) : 16%, 2.9 M pamilya
Severe Hunger (madalas o lagi sa huling tatlong buwan): 4.3%, 790,000 pamilya
Gallup International (November 2008): 4 sa 10 Pilipino (40%) ay nakaranas ng gutom sa huling taon. ##
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment