Translate

Monday, August 29, 2011

[Patuloy ang pangamba ng nakaambang demolisyon] Malungkot na Eid ul-Fitrsa mga muslim ng San Roque

BALITA l Agosto 30, 2011

Bagama't binawi ng opisina ni Mayor Herbert Bautista ang nauna nitong anunsiyo ng demolisyon sa Agosto 31, nagpahayag pa rin ng pagkadismaya ang grupo ng Muslim sa komunidad ng San Roque, North Triangle dahil sa pagpapatuloy ng banta ng pagpapalayas sa kanila para bigyang daan ang proyektong Quezon City Central Business District.

Kahapon, nagpahayag ang alkalde ng Lungsod Quezon sa isang panayam sa DZMM Teleradyo na bibigyan pa ng NHA na isang buwan para lumikas ang 3,000 pamilyang nananatili pa sa Sitio San Roque para boluntaryong lumipat sa mga relokasyon sa Rodriguez, Rizal.

Ngayong araw nagtatapos ang selebrasyon ng Kamusliman sa kanilang isang buwang Ramadan na kinatatangian ng isang mala-piyestang pagsalubong. Ngunit hindi ganito ang kalagayan ng mga Muslim sa San Roque.

"Ngayong araw, hindi man lang namin magawang magsaya sa aming Eid ul-Fitr dahil sa pangamba ng iilan na bukas ay nakahanda na ang demolition team upang gibain ang aming mga bahay. Halos buong buwan kaming nababalot sa pangamba dahil sa banta ng demolisyon," ani Bobby Dicatanongan, presidente ng United Muslim Association of Bagong Pag-asa.

"Ang balitang isang buwang palugit ay nangangahulugan pa rin ng pagbalewala ng gubyerno sa aming hinaing para sa disenteng paninirahan at ang kawalan ng kabuhayan ng mga lumipat na sa relokasyon," dagdag pa ng lider. "Walang nakikitang problema ang gubyerno sa kawalan ng kabuhayan, kagutuman at ilang kaso ng pagkamatay ng ilan naming mga kasamahan na nauna ng lumipat sa Montalban."

"Nakahanda pa rin ang aming hanay sa anumang banta ng pagpapalayas sa komunidad na itunuring na naming pangalawang tahanan, liban sa Mindanao. Walang katiyakan na hindi kami bibirahin sa darating na mga araw," dagdag pa ng lider.

Bukas, maaga pa lang ay nakabarikada na ang mga residente ng San Roque bilang paghahanda sa posibilidad ng demolisyon.###`

Reference: Carlito Badion, Alyansa Kontra Demolisyon Lead Convener (09393873736)
Bobby Dicatanongan, UMA Preseident (09107140717)

No comments:

Post a Comment