Translate

Thursday, October 27, 2011

'All-out war' ni Aquino laban sa maralita, nakahandang biguin ng mga residente ng North Triangle

ALYANSA KONTRA DEMOLISYON I CONTRACBD
Reference: Ka Inday Bagasbas, September 23 Movement chairperson, CONTRACBD, Alyansa Kontra Demolisyon spokesperson l 09463957071

Kinondena ng mga residente ng North Triangle ang diumano'y "all-out war laban sa maralita" ng rehimeng US-Arroyo. Nahaharap sa banta ng demolisyon ang nanatili pang 7,000 pamilya na naninirahan sa Sitio San Roque, NT sa pagtatapos ng 60-day moratoium on demolition na inilabas ng NHA bago matapos ang buwan.

Ayon sa Alyansa Kontra Demolisyon, isang pambansang alyansa laban sa sapilitang pagpapapalayas sa maralitang lungsod mula sa kanilang komunidad, aabot sa 361,000 pamilya ang tatanggalan ng tirahan at kabuhayan para bigyang-daan ang mga Public-Private Partnership priority projects sa Kamaynilaan pa lamang.

Nakahanda namang tapatan ng mga maralita ang bangis ng 'all-out war" ni Aquino, at simula nagyong araw ay nakahanda ang mga resident ng North Triangle na muling barikadahan ang kanilang komunidad, ayon kay Ka Inday BAgasbas, tagapagsalita ng mga residente.

No comments:

Post a Comment