QUEZON CITY—Pagkatapos ng kampuhan ng mga maralta sa main office ng National Housing Authority, nagmartsa ang ioba't-ibang grupo ng maralita sa ilalim ng Alyansa Kontra Demolisyon (AKD) na biktima ng kaliwa-kanang demolisyon ng mga komunidad patungong main office ng Public-Private Partnership Center.
Pinangunahan ng pagkilos ng CONTRACBD, isang alyansa ng mga maralita at kawani ng pamahalaan na matatamaan ng higantenbg proyektong Quezon City Central Business District (QCCBD). Hindi bababa sa 24,000 na pamilya ang itataboy patungo sa mga relocation sites sa malalayong lugar na kapos sa kabuhayan upang bigyang-daan ang nabanggit na proyektong nagkakahalaga na P22B. Libu-libong kawani ng pamahalaan ang ospital ang nangangamba ring mawalan ng trabaho dahil sa nasabing proyekto. Dinaan ng mga nagmamartsang maralita ang mga komunidad ng San Roque, Napocor, BIR at ang komunidad ng NIA na lahat ay wawalisin sa pagpapatupad ng QCCBD.
Pambabato ng putik sa PPP Center
Pagkadating sa Public-Private Partnership Center sa may GMA-Kamuning MRT station, binato ng mga lider-maralita ng putik ang marker sa harapan ng nasabing ahensiya. Ayon kay Carlito Badion, lead convenor ng AKD, “dapat ay buwagin na ang nasabing ahensiya sapagkat liban sa ibabaon lang nito sa utang ang naghihingalo ng sambayanang Pilipino, malalaking dayuhan at lokal na korporasyon lang ang makikinabang sa mga PPP projects.” Dagdag pa niya, “walang pakundangan ang PPP sa paglapastangan sa karapatan sa paninirahan at kabuhayan ng mga maralitang lungsod na itataboy nila sa lupang matagalan ng kinatitirikan ng kanilang tahanan para sa inter ng mga dayuha at malalaking lokal na korporasyon.”
Sinisi ni Badion ang PPP bilang sanhi ng unti-unting pagtalikod ng pamahalaan sa responsibilidad nitong magbigay ng mga batayang serbisyo sa dikta ng IMF at World Bank. “Ang pagsasapribado ng mga serbisyong pabahay, kabilang na ang edukasyon at mga sebisyong medikal ay labis na magpapahirap sa aming mga maralita.” Duimano, ang pagtalikod ng gubyerno at pagkaltas ng pondo para sa batayang serbisyo ang dahilan ng lumalalang krisis at pag-aalma ng mga mamamayan sa buong daigdig gaya ng napapanood sa mga telebisyon.
Nanawagan si Badion na ilaan na lamang ang multi-bilyong pondo para sa PPP sa paglikha ng mga regular na trabaho at hindi ng mga panandaliang trabahong alok ng PPP para sa maralita. “Ilaan din ito sa pondo para sa pagtitiyak ng mga batayang serbisyong panlipunan para sa mamamayan gaya ng pagkain, maayos na tirahan, serbisyong pangkalusugan at edukasyon,' ani Badion.###
No comments:
Post a Comment