PRESS RELEASE l Disyembre 1, 2011
Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-aabuso (MANLABAN)
For Reference and Interview: Amena Mustapha Lumundot, Manlaban-Litex (09184795410); Diamond Kalaw, Manlaban spokesperson (09495027349)
QUEZON CITY--Nagreklamo ang mga manininda sa panulukan ng Commowealth Ave at Litex (IBP) Rioad sa lokal na pamahalaan ng Quezon City sa pagpigil ng mga opisiyal ng Brgy Commonwealth na makapwesto ang kanilang mga paninida. Nagkaroon ng komosyon ngayong umaga ng pigilang makapwesto sa dati nilang pinagtitindahan ang hindi bababa sa 20 manininda ng isang nagpapanggap na abugado ng Brgy Commonwealth.
Ayon kay Amena Mustapha Lumundot, lokal na lider ng Manlaban o Manininda laban sa Ebiksyon at Pan-aabuso, nakakuha na sila ng permit mula sa Quezon Cityhall ngunit sinisingil pa rin sila ng mga otoridad mula sa Brgy Commonwealth.
Nanawagan sila sa kinauukulan na bigyan sila ng karapatan na magtinda lalo pa at nalalapit na ang Kapaskuhan. Ginagamit diumano silang gatasan ng mga nasa pamahalaan sa kabila ng malaking pangangailangan ng kanilang pamilya para mabuhay, at hindi kalakihang kinikita sa pagbebenta.
No comments:
Post a Comment