Translate

Tuesday, January 24, 2012

Grupong Kadamay, kinutya ang report na pagbalik sa bansa ni Joma Sison

PRESS RELEASE
24 January 2012


Binira ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) ang alegasyon ng gubyerno na babalik na sa bansa ang lider ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na si Jose Maria Sison mula sa self-exile nito Netherlands.

Ayon kay Gloria Arellano, secreatary-general ng Kadamay, ang gawa-gawang pahayag na ito ay nangangahulugan na ng pagtalikod ng gubyerno sa usapang pangkapayapaan sa pag-itan ng NDF at ng Gubyerno ng Pilipinas.

Aniya, "Isang kabaliwan at ‘suntok sa buwan’ ang nilalaman ng intelligence report ng military hinggil sa pagpapaloob ni Joma Sison sa gabinite ni Aquino, at ang intergrasyon ng New People's Army sa AFP."

Taliwas diumano ito sa naisin ng mamamayan na isulong ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms o CASER, isang mayor na laman ng naudlot na usapang pangkapayapaan.

Naniniwala ang Kadamay na ang CASER, na sa esensya ay libreng pamamahagi ng lupa sa mga walang lupa at ang pambansang industritalisasyon na malaya sa dikta ng mga neoliberal na patakaran, ang tanging solusyon para maibsan ang laganap na kahirapan sa bansa.

"Hindi seryoso, at walang kakayahan ang administrasyong Aquino na harapin ang lumalang kahirapang dinaranas ng milyun-milyong Pilipino sa bansa," pahayag pa ni Arellano.###


Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)
Militanteng Sentro ng Maralitang Lungsod sa Pilipinas
Reference: Gloria Arellano, Kadamay secretary-general (0921.392.7457)

No comments:

Post a Comment