PRESS RELEASE (08 Peb 2012)
“Tama na sa pagpapapogi at pagpapanggap!”
Ito ang banggit ng grupong Alyansa Kontra Demolisyon sa planong pagdaraos ni Pangulong Noynoy Aquino ng kanyang ika-52 taong kaarawan sa Dumaguete, Negros Oriental matapos itong sinalanta ng malakas na lindol noong Lunes. Naghatid ang grupo ng isang malaking regalo sa paanan ng Mendiola. Nilahukan ito ng mga maralita mula sa iba't ibang komunidad na nahaharap sa banta ng demolisyon sa ilalim ng panunungkulan ni Aquino. Nagpahiwatig din sila ng pakikiramay sa mga biktima ng trahendya pakikiramay ng grupo sa mga biktima ng nasabing trahedya.
Ayon kay Estrelieta Bagasbas, tagapagsalita ng grupo, hindi totoong kinakalinga ni Aquino ang mga maralita. Habang bumibisita siya ngayong araw sa mga taga-Dumaguete, libu-libong maralitang lungsod naman ang nahaharap sa banta ng demolisyon dahil sa iba’t ibang proyektong pangkaunlaran na tulak ng administrasyon.
Photo Ops
“For photo-ops lang ang nagiging pagtugon ng gubyerno sa mga nasasalanta ng mga kalamidad. Katunayan hanggang ngayon, libong pamilya pa rin ang naglalagi sa mga evacuation center sa Cagayan De Oro at Iligan na nabiktima ng Sendong, habang patuloy ang pag-endorso ng administrasyon sa malalaking kompanya ng minahan sa Mindanao,” ani Bagasbas.
Kasabay ng kanilang kilos-protesta sa Mendiola sa kaarawan ni Aquino, nanawagan din ang grupo sa gubyerno para sa magpapatupad ng ng isang pambansang tigil-demolisyon.
Suliranin ng mamamayan
“Nanawagan kami kay Noynoy na pakinggan ang mga panawagan ng mga maralita, at harapin ang problema ng lumalalang kahirapan sa bansa,” dagdag ni Bagasbas. “Hindi sapat ang pagbisita lamang sa mga maralita pagkatapos ng mga kalamidad habang sa kabilang banda ay nagpapatuloy at tumitinda ang pananalasa ng mga batas tulad ng Urban Development and Housing Act, Oil Deregulation Law, at iba pang kontra-maralitang batas.”
Dagdag pa ng lider, sa hanay ng maralitang lungsod, lantad na lantad na umano ang tunay na katangian ni Noynoy.
Pagbabanta pa ni Bagabas, “Kung magpapatuloy ang mga kontra-maralitang programa at patakaran ni Aquino, hindi malayong ang 2012 ang maging huling kaarawan niya sa Malacanang.###
ALYANSA KONTRA DEMOLISYON
Reference: Carlito Badion, AKD Lead convenor, 09393873736
No comments:
Post a Comment