Translate

Sunday, October 18, 2015

'Record-high' na bilang ng nagfile ng COC sa pagkapangulo, senyales ng kapalpakan sa pamumuno ni Aquino--Kadamay


Taliwas sa sinasabi ng Malacanang at ng Commision on Election (COMELEC), hindi isang 'vibrant democracy' bagkus ang kahungkagan ng‪#‎DaangMatuwid‬ ng administrasyong Aquino ang dahilan kung bakit maraming mga Pilipino ang nangangahas tumakbo bilang Pangulo ng bansa sa bilang na pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Ito ang pahayag ng Kalipunan ng Damayang Kalipunan Ng Damayang Mahihirap, isang grupo ng maralitang lungsod.

Ayon sa COMELEC, nag-file ng Certificate of Candidacy (COC) para sa pagkapangulo sa eleksyon sa 2016 ang 130 indibidwal. Samantala, 19 lamang ang nag-file ng COC para sa pagkabise-presidente.

Sa tala ng COMELEC, kumpara sa 2010 presidential election, malayo ang bilang ng nagfile COC para sa pagkapangulo para sa 2016 election.

Noong 2010 election, 90 ang indibidwal ng nag-file ng kanilang COC sa pagkapangulo. 10 lamang sa kanilang ang inaprubahan ng COMELEC na tumakbo sa 2010 presidential election.

"Malinaw sa marami na palpak ang mahigit 5 taong panunungkulan ni BS Aquino bilang pangulo ng bansa kung kaya't maraming ordinaryong Pilipino ang nangangahas ngayong tumakbo para mamuno ng bayan," ani Gloria Arellano, tagapangulo ng Kadamay.

Nagpapakita rin umano ng kahinaan at kawalan ng kredibildad ng Partido Liberal sa publiko ang naging paghahamon ng mga beteranong pulitiko gaya ni Senator Miriam Defensor-Santiago sa pambato pagkapangulo ng administrasyon, ayon sa Kadamay.

"Bilang biktima ng tuluy-tuloy na kaso ng pamamaslang at pandarahas ang mga maralitang lungsod sa ilalim ng mahigit 5-taon panunungkiulan ng administrasyong Aquino, nakahanda ang Kadamay na pabulaanan ang pinagmamalaking Daang Matuwid at 'Vibrant Democracy' ng rehimen," ani Arellano.

"Patuloy kaming maniningil at maglalantad sa kabulukan ng administrasyong bago at sa panahong ng kampanyahan para pambansang halalang sa 2016, hanggang sa mapanagot si Aquino sa kanyang mga kasalanang sa maralitang lungsod at mamamayan," dagdag ng lider.

‪#‎Halalan2016‬ ‪#‎Eleksyon2016‬

No comments:

Post a Comment