Translate

Monday, October 12, 2015

Zero-Vote Campaign vs Bistek, ipinanawagan ng mga maralita sa kanilang protesta kasabay ng State of the City Address ng alkalde


Kasabay ng napabalitang pagbubukas ng senatorial slate ng Liberal Party para kay Mayor Herbert Bautista, maglulunsad ng protesta ngayong hapon ang iba't ibang grupo ng mga maralita ng Quezon City kasabay ng State of the City Address ng alkalde.

Ngayong araw din ang unang araw ng filing of candidacy sa COMELEC ng mga pulitikong tatakbo sa pambansang halalan sa susunod na taon.

Ayon sa mga raliyista sa pangunguna ang Bayan-QC at Kadamay, nakahandang maglunsad ng Zero-Vote Campaign sakaling tumakbong senator si Bistek sa darating na halalan, at kahit na umano tumakbo ito bilang alkalde ng lungsod sa ikatlong termino.

Ayon sa Kadamay, pantapat umano ang Zero-Vote Campaign sa Zero-Informal Settler Policy na ipinapatupad ng alkalde simula pa noong 2010 nang mahalal itong alkalde ng lungsod.

"Ibayong pambubusabos ang kinahirap ng mga maralitang lungsod sa QC sa ilalim ng administrasyong Bautista," ayon kay Estrelieta Bagasbas, lider ng komunidad ng North Triangle at ikalawang pambansang tagapangulo ng Kadamay.

Hatid umano ng Zero-Informal Settler Policy ang kaliwa't kanang demolisyon ng kabahayan ng mga maralita at pagpapalayas sa mga maliit na maninida at padyak sa mga lansangan ng lungsod, ayon sa lider.

Hirit pa ni Bagasbas, "Kung gayong walang puwang ang mga maralita sa QC, mas lalong walang puwang si Bistek sa balota ng mamamayan. Masugid naming ikakampanya sa mga maralita at iba pang mamamayan na huwag siyang iboto sa darating na halalan."

"Tiyak ng nakakasuka ang lalamanin ng SOCA ni Bistek, at walang ibang ipagmamalaki ang alkalde kundi ang mga proyektong pinapakibangan lamang ng malalaking negosyante gaya ng mga Ayala," ani Bagasbas.

Lalahok sa protesta mamayang hapon, ang mga nahaharap sa demolisyon sa QC dahil sa mga proyekto gaya ng QC-Central Business District, Skyway Project, Controlled Economic Zone Project sa National Government Center, at clearing ng mga waterways at iba pang danger areas sa QC gaya ng Bagong Silangan.

Inaasahan ding lumahok ang mga nagpapadyak sa Agham Road, mga manininda mula sa Balintawak market at mga maninida mula sa mga talipapa sa QC na apektado ng planong pagpapasara ng Balintawak market para bigyang-daan ang proyektong 'Cloverleaf' ng pamilya Ayala.

2 comments:

  1. $$$ URGENT LOAN OFFER WITH LOW INTEREST RATE APPLY NOW $$$
    Do you need Loan to pay off your debt and start a new life? You have come to the right place were you can get FUNDED at a very low interest rate. Interested people/company should please contact us via email for more details.

    Full name:
    Date of birth (yyyy-mm-dd):
    Gender:
    Marital status:
    Amount Needed:
    Duration:
    Address:
    City:
    State/province:
    Zip/postal code:
    Country:
    Phone number:
    Monthly Income:
    Occupation:

    E-mail: shadiraaliuloancompany1@gmail.com

    ReplyDelete
  2. I think may mapapakinabangan din ang mga tao sa pag papatayo ng Cloverleaf. To check visit cloverleaf.ph

    ReplyDelete