Translate

Sunday, April 4, 2010

On Arroyo's Easter message for 'unity': Ball's in your court, group tells GMA

On Arroyo's Easter message for 'unity'
Ball's in your court, group tells GMA
"Pledge to keep out of power, face charges after term"

The ball's in your court.

Reacting to President Arroyo's Easter Sunday message appealing to Filipinos to "unite as one nation", the urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) said that it is up to Arroyo to take the first substantial step, by "pledging to keep out of power after her term, and face the charges that are sure to come for grave sins committed against the people."

"The thing that keeps Filipinos confused and restive and unable to progress, is GMA's clear design to maintain her grip on power, no matter the cost," said Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, Kadamay chair. "It is very hypocritical of the President to call for unity when she has been the very cause of disunity and unrest among the people, especially the poor."

According to the group, Arroyo has to pledge "in no uncertain terms" that she will step down from -- and keep out of -- power after her constitutional term ends on June 30, and that she will face charges that are sure to be lodged against her for "anti-poor" policies, massive corruption, and gross violation of human rights that have identified her nine-year administration.

This entails, of course, that Arroyo withdraw her present candidacy for Pampanga congresswoman, which has stoked fears that she will eventually regain the country's top post through Charter Change.

"As she said, 'Easter is an occasion to celebrate redemption, restoration and renewal.' We do hope she lets us have that, by letting us free of her," said Nanay Leleng.

Kadamay also says 'Babay' at GMA's birthday; 'cake-ffigy' to be burned

Meanwhile, Kadamay announced its participation in the Kilusang Mayo Uno's (KMU) call for a metro-wide protest during President Arroyo's birthday tomorrow, dubbed 'Birthday ni Gloria, Babay-Day ng Masa'.

The group will position itself at Litex-Commonwealth Avenue, a regular protest site for its proximity to the huge urban poor communities of northern Quezon City, from 4:00 PM to 5:00 PM where it will burn a 'cake-ffigy' in honor of the outgoing, going-on-63 President. ##

Reference: Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, National Chair, Kadamay
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660

_________________________________________________________

Sa Easter message ni Arroyo para sa 'pagkakaisa'
Nasa iyo ang bola, anang grupo kay GMA
"Sumumpang hindi na babalik sa kapangyarihan, at harapin ang mga asunto matapos ang termino"

Nasa iyo na ang bola.

Bilang tugon sa mensahe ng Pangulong Arroyo ngayong Pasko ng Pagkabuhay na nananawagan sa mga Pilipino na "magkaisa bilang isang bansa", sinabi ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, na nakay Gng. Arroyo rin ang kapasyahan upang gumawa ng unang malaking hakbang tungo rito, sa pamamagitan ng "pagsumpa na hindi na muling babalik sa kapangyarihan matapos ang kanyang termino, at haharapin ang tiyak na mga kaso para sa malalaking mga kasalanan sa taumbayan."

"Ang malaking sanhi naman ngayon kaya't nalilito, balisa, at hindi makausad ang mga Pilipino, ay ang malinaw na pagtatangka ni GMA na panatilihin ang kapit sa kapangyarihan," ani Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, tagapangulo ng Kadamay. "Napaka-ipokrita para sa Pangulo na manawagan ng pagkakaisa samantalang siya mismo ang dahilan ng kaguluhan at diskuntento ng taumbayan."

Ayon sa grupo, kailangang sumumpa ni Gng. Arroyo sa "tiyak at malinaw na mga salita" na siya ay bababa -- at hindi na muling babalik -- sa kapangyarihan matapos ang kanyang termino sa Hunyo 30, at haharapin niya ang tiyak na patung-patong na mga kaso para sa mga "kontra-maralitang" polisiya, malawakang katiwalian, at lansakang paglabag sa karapatang-tao na naging tanda ng kanyang siyam na taong panunungkulan.

Kaakibat nito anila ang pagbawi ni Gng. Arroyo sa kanyang kandidatura para kongresista sa Pampanga, na siyang nagbunsod ng malawakang pangamba na mababawi niyang muli ang pinakamataas na pusisyon sa bansa sa pamamagitan ng Charter Change.

"Gaya ng kanyang sinabi, 'Easter is an occasion to celebrate redemption, restoration and renewal.' Sana'y hayaan niya nga tayong kamtin ito, kung hahayaan niya tayong kumawala sa kanya," ani Nanay Leleng.

Kadamay, makiki-'Babay' sa kaarawan ni Gloria; 'cake-ffigy', susunugin

Samantala, inanunsyo ng Kadamay ang kanilang partisipasyon sa panawagan ng Kilusang Mayo Uno (KMU) para sa metro-wide protest sa kaarawan ng Pangulong Arroyo bukas, na binansagang 'Birthday ni Gloria, Babay-Day ng Masa'.

Pupwesto ang grupo sa Litex-Commonwealth Avenue, isa nang karaniwang lugar-protesta dahilan sa lapit nito sa mga malalaking maralitang komunidad ng hilagang Quezon City, kung saan susunugin nila ang isang 'cake-ffigy' para sa pababa at papa-63 nang Pangulo.##

Reference: Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, National Chair, Kadamay
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660

No comments:

Post a Comment