Translate

Saturday, June 12, 2010

'GMA must pay', panapat na panawagan ng maralita sa magarbong Independence Day celebration

NEWS RELEASE
12 Jun 2010

'GMA must pay' -- hindi ang P10 milyong pisong gagastusin ng pamahalaan sa magarbong Independence Day celebration ngayon, kundi para sa siyam na taong paglala ng kahirapan, kagutuman, at mga demolisyon ng maralitang komunidad.

Ito ang panapat na panawagan ng mga maralitang-lungsod sa ilalim ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), sa gaganaping pagpaparada ngayon ng administrasyong Arroyo ng mga floats patungkol sa diumano'y mga 'achievements' nito, bilang bahagi ng huling Independence Day rites ng Pangulo.

Kalahok ang grupo sa isasagawa ring parada ng mga floats sa pamumuno ng Bayan, kung saan ilalahad naman ang "totoong kalagayan" ng bansa taliwas sa ipinangangalandakan ni Arroyo.

Kahirapan, kagutuman at demolisyon ang tema ng float na ipaparada ng Kadamay katuwang ang Anakpawis Partylist, kung saan ipapakita ang isang bahay na tagpi-tagpi, na may naninirahang mga nagugutom na maralita at nakaamba pang mademolis.

"Hanggang huli, patuloy ang pang-iinsulto ni Arroyo sa aming mga mahihirap at sa sambayanang Pilipino. Habang dumaranas ng kagutuman ang marami, nagawa pa nilang gumastos ng P10 milyon para lamang magparada ng mga kasinungalingan," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay.##

Reference Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660.

No comments:

Post a Comment