NEWS RELEASE
22 Jul 2010
22 Jul 2010
'End water privatization now' -- Ito ang panawagan ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, bilang tugon sa kasalukuyang kakulangan sa suplay ng tubig na nararanasan sa malaking bahagi ng Metro Manila.
"Matapos ang higit isang dekada ng privatization, nasaan na ang ipinangakong mas matinong serbisyo?," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay. "Taun-taon tumataas ang singil, pero hindi naman nagagarantiya ang maayos na serbisyo sa tubig."
At bunsod ng maling sistemang ito, ayon sa grupo, ang maralitang-lungsod na naman ang siyang pumapasan ng dagdag na pahirap.
"Marapat na gawin ng gubyerno ang lahat ng hakbang upang agarang ibalik ang access sa mamamayan,” ani Badion. “Pero dapat lubusin na ang pagreresolba dito... dapat nang humakbang ang pamahalaan tungo sa pagsasabansa ng serbisyo sa tubig.”
Water shortage -- o iresponsableng concessionaire?
Maraming kwestyon din ang bumabalot sa kasalukuyang 'water crisis', ayon sa grupo, bagay na lalong nagpapakita sa pangangailangang baguhin na ang privatized na serbisyo sa tubig.
Una: Totoo bang may shortage sa tubig? "Ito ang kakatwa -- may 'water crisis' daw pero Maynilad areas lamang ang apektado," ani Badion. "Hindi ito 'water crisis', kundi 'service crisis' lamang ng Maynilad."
Ang paliwanag dito ay dahil ang pangunahing pinagkukunan ng Maynilad ay ang Angat Dam -- na sa ngayon inabot na ang pinakamababang antas ng tubig sa kasaysayan -- habang ang pangunahing pinagkukunan ng Manila Water ay ang La Mesa Watershed. "Subalit ito na nga ang problema. Hinati ang distribusyon ng tubig sa Metro Manila sa dalawang private concessionaire, buhat noong panahon ng administrasyong Ramos, upang diumano'y magresulta sa mas efficient at abot-kayang serbisyo na idudulot ng kompetisyon. Ngunit natutupad ba?
"Kung nationalized ang serbisyo sa tubig, mula sa administrasyon ng water sources hanggang distribution, madaling makapag-a-adjust ang gubyerno sa ganitong problema. Pero sa halip, nasa direksyon pa nga tayo ng higit na pribatisasyon -- hindi ba't plano pa nga nilang i-privatize ang Angat Dam?," ani Badion.
Matatandaang ang ilan sa mga interesadong kampo sa Angat Dam ay ang First Gen Corporation ng Lopez Group, na siya ring bahagi ng consortium na nagmamay-ari sa Maynilad, at ang Ayala Group na isa sa nagmamay-ari ng Manila Water.
Ikalawa: Hindi ba foreseeable ang problemang ito? "Sinisisi ng DPWH ang Napocor dahil daw sa pagpapakawala ng malaking tubig sa mula sa dam, pero late 2009 pa ito nangyari. Sa bahagi ng Maynilad, hindi ba nila napansin nang maaga ang mababang antas ng tubig sa dam, at nakapaghanda sana o nabigyang-babala man lang ang publiko?," ani Badion.
"Isa sa dalawang bagay lang ito – may lihim na motibo ang Maynilad sa pagpapabaya sa 'shortage' na ito, o gross negligence sa bahagi nila.”
Ayon kay Badion, lahat ng senyales ay nakaturo “hindi sa water shortage, kundi sa iresponsableng concessionaire.”
“At ito ang esensya ng privatization,” aniya. “Hindi naman totoong responsable ang mga concessionare na ito sa publiko. Ang hangad nila ay kumita.”
At ang huling bahagi ng palaisipang ito, ayon sa grupo, ay ang presensya ng dating Maynilad president sa pamunuan ng DPWH – si Sec. Rogelio Singson, na pinaghihinalaang tinalaga ni Pangulong Aquino bilang pabor sa mga malalaking pangnegosyong interes na nasa likuran nito.
“Ano ang papel ni Singson dito? Paano natin maaasahang titindig siya para sa interes ng publiko, gayong dati siyang presidente ng concessionaire na ngayo'y sangkot sa gulong ito?,” ani Badion.##

Reference Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO, at 0910.975.7660.
No comments:
Post a Comment