BALITA l 22 NOBYEMBRE 2011
MONTALBAN RELOCATEES ALLIANCE-KADAMAY
REFERENCE: Merci Merilles, MRA spokesperson (09467026574)
RODRIGUEZ, Rizal--"Nakakabaliw ang napakahirap na kalagayan sa Mental-ban." Ito ang banggit ni Rodel Flores, tagapagsalita ng Montaban Relocatees Alliance, at isang lider ng mga relocatees sa Montalban.
Ngayong umaga, sinugod ng mga relocatees ang lokal na tanggapan ng National Housing Authority sa Rodriguez, Rizal upang singilin ana nasabing ahensya sa diuman'y pakikipagsabwatan nito sa mga pribadong debeloper ng palupa. Bitbit nila ang mga plakard na may panawagan para sa katiyakan ng paninirahan, at ang larawan ng isa sa mga lider na relocation na si Semio Bayugbog na pinaslag ngayong buwan dahil sa pagbangga nito sa mga programa ng New San Jose Builders at mga sindikato sa pabahay sa Rodriguez.
Ayon naman kay Merci Merilles, "ang gutom na sikmura, 2-araw lang na bukas na ospital, abot-bubong na baha at ang matataas na singilin sa kuryente, tubg at pabahay ay napasakit isipin lalo na at wala namang trabaho sa relokasyon."
"Ang kita mo kung sa Maynila ka magtatrabaho ay mauubos lamang sa pamasahe," dagdag ni Meriles na 8 taon nang nainirahan sa relokasyon."
Banggit naman ni Flores, "wala kaming sinisisi sa kasalukuyan naming kalagayan kundi ang gubyerno na nagtaboy sa amin sa relokasyon at nakipagsabwatan sa mga debeloper para pagkakitaan ang mga maralita."
Naglaan ang administrasyong Aquino ng P10B para sa relokasyon ng daang libong maralitang palalayasin mula sa kalunsuran. Bahagi ito ng kanyang Public-Private Partnership program na nagalalayong palayasin ang aabot sa 556,000 pamilyang maralita sa Metro Manila pa lamang upang itayo ang mga negosyo para sa mga dayuhan at malaking lokal na negosyante. Malaking bahagi ng pondo ay magsisilbing kapital ng mga debeloper ng lupa at murang pabahay
Ang panawagan ng mga relocatees, dapat ayusin ng pamahalaan ang serbisyo nito sa mga relocatees, bago ang paggawa ng mga bagong pabahay para sa biktima ng demolisyon.
"Dapat diumano, ikulong at parusahan ang mga negosyante sa pabahay na pinagkakakitaan ang mga maralita. Kung hahayaan lang ni Noynoy ang pagkakamal ng malalaking salapi ng mga debeloper mula sa pondo ng taumbayan, malinaw itong kaso ng korapsyon na kalauna'y papanagutan din ng pangulo," ayon kay Merilles.###
No comments:
Post a Comment