Nasa 300 maralita sa Metro Manila ang nakatakdang maglunsad ngayong umaga martsa patungong Mendiola ngayong umaga upang gunitain ang umano'y mga pinaslang ng administrasyong Aquino sa kasagsagan ng pananalasa ng Bagyong Pablo noong Disyembre 4 sa Southern Mindanao. Pangungunahan ang pagkilos ngayong umaga ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), kasama ang Gabriela, Kilusang Mayo Uno at Anakbayan.
Mangunguna sa kanila ang mga kababaihang nakaitim na belo na anila'y simbolo ng pagluluksa para sa aabot sa 2,000 maralitang napaslang sa Southern Mindanao na hanggang ngayon ang katawan ng ilang daan ay hindi pa rin natatagpuan. Plano nilang magsindi ng kandila at magtali ng itim na tela sa mga nakaharang na alambre sa paanan ng Mendiola.
Ayon kay Gloria Arellano, walang ibang salarin sa trahedyang naganap kundi ang administrasyong Aquino na nag-uugdyok pa sa mga dayuhang negosyante upang dambungin ang likas-yaman ng bayan.
Ani Arellano, epekto ng legal at ilegal na pagtotoroso, pagmimina, at operasyn ng mga plantasyong pang-eksport ang pagkawasak na hatid ng bagyo.
Halimbawa umano nito ang pagkaligtas sa log ban ni Pangulong Aquino ng halos 83,000 ektaryang trosohan sa Davao Oriental.
"Kay 37,000 ektaryang minahan sa Southern Mindanao ang binigyan ng permit ng gubyerno. Isang milyong ektarya pa ang sako ng nakabimbing mga aplikasyon sa pagmimina na karamiha'y dayuhang kumpanya," dagdag pa ng lider.
Samantala, halos 20 porsyento naman umano ng lupain sa Compostela Valley at Davao Oriental ang kinumbert ng gubyerno sa mga plantasyon ng saging na pang-eksport, at nasa 30,000 ektarya naman ang kinumbert sa plantasyon ng palm oil at biodiesel, ayon kay Arellano.
Babala ng Kadamay, hindi malayong maulit ang trahendyang hatid ni Pablo sapagakat hanggang ngayon ay nagpapatuloy pa ang operasyon ng mga large-scale mining at logging companies sa iba't ibang panig ng bansa sa udyok mismo ng gubyernong Aquino. ###
Reference: Gloria 'Ka Bea' Arellano, Kadamay national chair, 0921.392.7457
No comments:
Post a Comment