Karahasan ng mga mapang-abusong awtoridad
Sa magkabilang dako ng Maynila, mga kaso ng pang-aapi ng mga naatasang “maglingkod”
Demolisyon sa Western Bicutan, Taguig
Pagtataboy ng mga Buhay para sa mga Patay
Makatarungan bang paalisin ang may 1,000 maralitang pamilya, nang walang anumang relokasyon o kompensasyon, para bigyang-daan ang Libingan ng mga Bayani? Hindi ang mga pamilyang naninirahan dito ang sumisira sa dangal ng bantog na libingan, kundi ang mga sundalong walang-habas mandahas at walang-pusong itinataboy ang mga residente, tungo na rin halos sa kanilang kamatayan.
Nakahanda muling magbarikada ang mga natitira pang residente ng Sitio Masagana, Western Bicutan, Taguig, sa pangatlong tangkang walisin ang kanilang komunidad. Banta ng mga militar, maaaring alas-3 ng madaling araw ay magsimula na silang maggiba.
Media Coverage is Highly Requested
3 AM, Sitio Masagana (along C-5 Road), Western Bicutan, Taguig
Pls Contact: Jon Vincent Marin, Kadamay Information Officer | 0910.975.7660
Vilma Superales, association president | 0916.211.9709
Commonwealth Avenue, Quezon City
Isa na namang kaso ng pang-aabuso sa mga vendor
Isang kaso na naman ng pang-aabuso at paglabag sa karapatang-tao ng mga maralitang vendor ang naganap noong Sabado, Mayo 16, sa overpass ng Sandiganbayan, Commonwealth Avenue, Quezon City, kung saan higit P80,000 halaga ng mga paninda ang inagaw sa pitong vendor at sinunog ng mga tanod ng Brgy. Batasan Hills.
Ayon kay Diamond Kalaw, tagapagsalita ng grupong Manininda Laban sa Ebiksyon at Pang-Aabuso - Kalipunan ng Damayang Mahihirap (ManLaban-Kadamay) at isa mismo sa mga nabiktimang manininda, dakong alas-7 n.u. noong nasabing araw walang anu-ano’y sinalakay sila ng mga taga-Barangay Public Safety Office (BPSO) ng Brgy. Batasan Hills, inagaw ang kanilang mga paninda at dinala sa tanggapan ng barangay, at doon binuhusan ng gasolina at sinunog.
Bunsod nito, nakatakdang mag-rali at magsampa ng reklamo ang mga vendor at iba pang kasapi ng Kadamay sa Commission on Human Rights (CHR) ngayon upang singilin ang mga responsible dito at igiit ang pagkilala sa pagtitinda bilang lehitimong hanapbuhay, na may buong proteksyon ng batas.
10 AM: Piket-Pagdulog sa tanggapan ng Commission on Human Rights, Commonwealth Ave., QC
Please Contact: Bea Arellano, Kadamay Secretary General | 0921.392.7457
Diamond Kalaw, ManLaban spokesperson | 0910.368.9578
oi akala ko ba may "State Of the Urban Poor" ang kadamay!
ReplyDelete