- Isang malaking pamantayan para sa aming maralitang-lungsod ay kung gaano isinusulong o ipinapatupad ng isang lider ang 'people empowerment', o paglalahok sa taumbayan, laluna sa mga mahihirap, sa mga economic at politica decisions na nakaaapekto sa buhay nila. Pero ang pinaka-batayan ng popularidad ng mga lider na ito ay kanilang religious leadership/entitlement, na bagamat hindi natin minamaliit, ay hindi ganoon ka-'empowering' o mapagpalaya sa mga nakasanayan na nilang maging tagasunod.
- Higit pa dito, naninindigan ang Kadamay sa panawagang 'transition council' bilang pamalit kay GMA, upang magpatupad ng mga agarang reporma at magtiyak ng malinis na halalan. Ang pagsuporta sa sinumang kandidato ay laging pumapangalawa lamang bilang option.
- Gayumpaman, ginagalang natin ang karapatan nilang tumakbo, at gaya ng lagi naming sinasabi, ang mahalaga sa ngayon ay matiyak na bababa si GMA sa pwesto, sa pamamagitan ng pagpapatalsik o sa pagtatapos ng kanyang termino, hindi matuloy ang Cha-Cha, at magkaroon ng malinis na halalan sa susunod na taon.
Bilang mensahe sa mga 'presidentiable', kung gusto nila ang tiwala ng mga maralitang-lungsod, kailangang maglatag sila ng malinaw na programa, hindi lamang mga 'motherhood statement', para sa paglikha ng trabaho, pangangalaga sa kabuhayan, pagtitiyak sa murang pagkain at libreng serbisyong panlipunan para sa lahat, liban sa iba pang mga panawagan.
Lalo sa mga 'presidentiable' na nasa pwesto na ngayon, kailangang may maipakitang performance na pumapabor sa maralitang-lungsod. Hindi lang popularidad, o laki ng grupong pinamumunuan, ang dapat maging batayan.
No comments:
Post a Comment