PRESS RELEASE
12 Pebrero 2012
Binira ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap ang napabalitang pag-uusap ng lokal na pamahalaan ng Quezon City at National Housing Authority upang kaagad mailikas ang mga maralitang nakatira sa ibabaw ng West Valley Faultline.
Ayon sa national scretary-general ng Kadamay na si Gloria Arellano, higit pang peligro ang sasapitin ng mga maralita sakaling ilikas sila at ilagak sa mga bulok na pabahay sa Montalban.
Batay sa mga nauna ng pag-aaral, nakatayo rin sa West Valley Faultline ang mga kabahayan sa nasabing relokasyon sa Montalban,"dagdag ng lider.
Liban sa mababang kalidad ng mga istrukutura sa pinakamalaking pabahay ng NHA sa Montalban na napakabulnerable sakaling gumalaw ang West Valley fault at ang kawalan ng kabuhayan sa relokasyon, nagpapatuloy pa ang pagrerelocate na isinasagawa ng ahensya sa mga maralita.
"Hindi bababa sa 50,000 pamilya ang kasalukuyang nakatira sa mga relokasyon sa Montalban, at hangga't hindi isinasagawa ng pamahalaan ang kaukulang disaster-preparedness program para sa mga relocatees, tiyak na libu-libong buhay ang sa isang saglit ay mawawala," ani Merci Merilles, lider ng Montalban Relocatees Alliance.
Matagal nang nanawagan ang grupo ni Merilles na kaagad itigil ng pambansang pamahalaan ang pagtatapon sa relokasyon isinasagawa ng NHA sa mga maralitang lungsod mula sa Metro Manila.
Ayon naman kay Arellano, hindi rin nais ng mga maralitang tumira sa ibabaw ng West Valley Faultline, gayundin sa mga tabing-estero at iba pang danger areas.
"Hindi dapat gamitin ni Mayor Herbert Bautista ang posibilidad ng lindol bilang dahilan upang itulak nito ang mga maralita sa Quezon City patungo sa relokasyon sa Montalban, at doon pagkakitaan ng mga low-cost housing firms gaya ng New San Jose Builders," ani Arellano.
"Kung may maayos na trabahong nililikha at programa ng pabahay ang Quezon City na sinasabing siyang pinakamayaman sa buong bansa, hindi panghihinayangan ng mga maralita na lisanin ang nila kanilang bahay sa ibabaw faultline, at lumipat sa mas ligtas na lugar."
Dagdag pa ng lider, "Ang kawalan ng sinseridad ng lokal na pamahalaan ng Lungsod Quezon sa pagharap sa suliranin sa pabahay ng mga maralita ang nasa likod ng maraming kaso ng mga pwersahang demolisyon sa lungsod."
Tuwing Lunes ay regular na nagsasagawa ng pagkilos sa Quezon City Hall ang mga maralitang tatamaan ng demolisyon mula sa iba't-ibang komunidad sa QC. ###
Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay)
Militanteng Sentro ng Maralitang Lungsod sa Pilipinas
Reference: Gloria Arellano, national secretary-general (0921.392.7457)
This gives a snapshot in time of what you own and owe-your asset and liability values.
ReplyDeletearizona pr firm