Binira ng militanteng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang anito'y kawalang kakayahan ni Pangulong Aquino na pamunuan ang hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaugnay sa delayed na extension ng SOMO o Suspension of Military Operarations ng AFP laban sa New People's Army, ang armadong pwersa ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Pinutol hanggang ngayong hatinggabi ng CPP ang inanunsyo nitong ng operasyong militar ng NPA mula Disyembre 20 hanggang Enero 15.
Ang nasabing tigil-putukan ay unang napagkasunduan sa espesyal na pulong noong Disyember 17-18 sa the Hague, Netherlands sa pagitan ng panel ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na tumatayong political wing ng CPP at ng panel ng Government of the Philippines (GPH).
Sa kabila ng naunang paghamon ng CPP na ipatupad ng GPH ang isang pinahabang ceasefire, ngayong hapon lamang nagpahayag ang Malacanang na palalawigin nito ang order ng SOMO sa AFP. Ito ay matapos ng kanselahin ng CPP ang deklarasyon nito ng tigil-putukan.
Ayon sa Kadamay, ilalagay sa peligro ng kasalukuyang sa unilateral ceasefire ng AFP ang buhay ng libu-libong sundalo.
"Kitang-kita ang kawalang pakialam ng Commander-in-Chief ang AFP na si Aquino sa hanay ng kasundaluhan ng bansa," ani Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng Kadamay.
"Inaasahang magiging bulnerable ang nakadeploy na aabot sa 155,000 sundalo, kasama na ang mga para-military at kapulisan sa mga atake ng gerilyang NPA gaya ng ambush, raid at operasyong agaw-armas simula mamayang hatinggabi,'" dagdag ng lider.
Ayon naman sa CPP, ang delayed na extension ng SOMO ng Malacanang ay nagpapakita lamang ng kawalan ng sinsiridad ng gubyerno sa pagharap sa peace talk sa pag-itan ng CPP at ng GPH.
Hindi rin umano ito tiwala sa ipinapatupad ng gubyerno ang kasalukuyang ceasefire katulad sa nagdaang mga taon, sapagkat nagpatuloy ang 'war of suppression' ng Oplan Bayanihan sa iba't ibang dako ng bansa sa kabila ng SOMO.
Wala rin umanong kakayahan ang kasalukuyang panel ng GPH na umuupo sa peace negoatiating table sa pangunguna ni Presidential Political Adviser na si Ronald Llamas.
Sa mensahe ng CPP sa ika-44 na anibersaryo nito noong Disyembre 26, nagpahayag ito na kakamtin ang 25,000 na bilang ng armadong NPA na aagaw ng pampulitikang kapangyarihan mula sa kasalukuyang gubyerno sa darating na mga taon. ###
Reference: Gloria Arellano, Kadamay national chair, 0921.392.7457
No comments:
Post a Comment