Translate

Monday, March 25, 2013

Karahasan at pambubusabos, nagpapatuloy 27 taon matapos ang EDSA 1--Kadamay


Nagpapatuloy umano ang karahasan at pambubusabos sa bansa 27 taon matapos ang EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadurang Marcos.

Ito ang pahayag ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) na kinondena ang administrasyong Aquino sa pagpapanggap umano nitong tagapandila ng demokrasya at karapatang pantao.

Ayon sa Kadamay, sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon nanatili ang malawak na kawalan ng lupa, trabaho at kabuhayan ng milyun-milyong Pilipino na walang ipinag-iba sa ilalim ng diktadurang Marcos. Sa katanuyan, sa mismong araw ng selebrasyon ng EDSA1, maraming komunidad ng marallita ang nahaharap sa banta ng demolisyon, kabilang na ang pagpapalayas sa mga vendors sa Luneta Park na tanging umaasa sa pagtitinda bilang pinagmumulan ng kabuhayan.

Sa tala ng Kadamay NCR, 1.4 maralitang pamilya sa Metro Manila ang nakatakdang palayasin sa kanilang mga komundad sa pagpapatupad ng 50 na malalaking Public-Private Partnership projects. Milyun-milyong maralita umano sa buong bansa ang nangangambang palayasin mula sa kanilang komunidad at mawalan ng kabuhayan dahil sa mga makadayuhang programa ng administrasyong Aquino. 

Ibayong pandarahas naman sa balangkas ng Oplan Bayanihan ang instrumento ng gubyerno upang tapatan ang paglaban ng mamamayan, dagdag ng Kadamay. Sa ilalim ng administrasyong Aquino, 13 maralita na ang pinaslang ng awtoridad sa kanilang pagtatanggol sa kanilang kabuhayan. Sampu sa mga ito ay naitala sa Metro Manila kung saan naulit ng ilang beses ang mga tangka ng demolisyon. Daang maralita rin umano ang sinampahan ng mga gawa-gawang kaso at marami pa rin sa kanila ng nakakulong kabilang na ang 10 maralita mula sa Silverio Compound sa Paranaque.

"Walang ipinagkaiba ang administrasyong Aquino sa administrasyong Marcos sa pasismo at pagiging kontra-maralita nito, kung kaya't hindi malayong mangyari ang isang panibagong EDSA People Power na pangungunahan ng mga maralita upang patalsikin ang papet na nakaluklok sa Malacanang," ani Gloria Arellano, Kadamay national chair.

Reference: Gloria Arellano, Kadamay national chair, 0921.392.7457

No comments:

Post a Comment