Translate

Wednesday, March 6, 2013

Loob ng tanggapan ng NHA sa Quezon City, sinugod ng mga maralita


Gaya ng kanilang banta ng gayahin ang mga protesta ng mga biktima ng Bagyong Pablo sa Davao City, pwersahang pinasok ngayong umaga ng mga maralitang mula sa relokasyon ng Montalban, Rizal ang loob ng tanggapan ng National Housing Authority sa Quezon City. Wala naman umanong mayor na nasaktan sa naganap na inisidente.

Sa ganap na alas-9:45 ng umaga kanina, ginulat ng aabot sa 100 mga relocatees ang mga security guards na nagbabantay sa ahensya at pwersahan nilang pinasok ang compound ng NHA patungo sa opisina ni General Manager Chito Cruz.

Inaasahan ng mga maralita ang isang diyalogo ngayong umaga sa tanggapan ng NHA para pag-usapan ang hiling nilang agarang ipatigil ang pagpapalayas sa kanila sa kanilang mga bagong tinitirhan. Ngunit nagalit ang mga maralita ng malamang ibang grupo ng relocatees ang kasalukuyang ka-diyalogo ng NHA. Noong Agosto 2012, pagkalipas ng malaking paghaba sa relokasyon sa Montalban, sama-samang inokupa ng mga biktima ng baha ang mahigit 1,000 mga bagong housing units sa Phase I-K2 Southville 8C Resettlement Project.

Saglit na naglikha ng komosyon ang paglusob ng mga maralita sa loob ng compound. Bago pa marating ng grupo ang tanggapan ni Chito Cruz ay hinarap sila ni Campitan kasama ang elemento ng QCPD. 

Pinangunahan ng grupong Kadamay-Anakpawis Habagat Chapter ang pagkilos ngayong umaga. Noong nakaraang linggo ay nauna na rin silang nagtungo sa  opisina ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa Makati City noong nakaraang linggo. 

Panawagan nilang agarang itigil ng gubyerno ang ginagawang pagpapalayas sa kanila mula sa mga bagong housing unit sa Block 23 at 24 sa Kasiglahan. Nais din nilang mabigyan sila ng mga green card bilang katibayan ng kanilang pagtira sa mga pabahay sa , na planong ilaan ng gubyerno para sa mga pamilyang lilipat ng NHA mula sa North Triangle. 

Ayon kay Marlin Palconit, lider ng Kadamay Habagat Chapter, wala na nga daw umanong natupad sa mga serbisyong pangako ng gubyerno, nais pa silang ibalik ng NHA sa dati nilang lugar kung saan abot-bubong ang tubig sa tuwing may pagbaha. 

Bago umalis ang mga maralita sa tanggapan ng NHA ay pinangakuan sila ng ahensya na agaran na nilang sisimulan ang distribusyon ng mga green card sa 141 naunang pinapalayas sa kanilang bagong tirahan.### 

Reference: 
Carlito Badion, Kadamay national secretary-general, 0939.387.3736
Marlin Palconit, Kadamay Habagat officer-in-charge, 0921.381.8107

No comments:

Post a Comment