Translate

Wednesday, March 6, 2013

Mga biktima ng Habagat mula sa pabahay ng gubyerno sa Montalban, planong gayahin ang protesta ng mga biktima ng Bagyong Pablo


Nagbanta ang mga relocatees mula sa relokasyon ng gubyerno sa Rodriguez, Rizal na gagawin din nila ang isang pagkilos na kaparehas ng ginawa ng mga biktima ng Pablo sa Davao City kung hindi ibibigay ng gubyernong Aquino ang kanilang kahilingan.

Ngayong umaga, lulusob sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City ang mga relocatees na mga biktima ng delubyong hatid ng Hanging Habagat sa Montalban (Rodriguez), Rizal. Pangungunahan ang nasabing pagkilos ng 141 pamilya mula sa Phase I-K2 Southville 8C Resettlement Project na naunang naglunsad ng protesta sa opisina ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa Makati City noong nakaraang linggo. Umaasa silang harapin sila ng NHA General Manager na si Chito Cruz sa isang diyalogo na ipinatawag ng HUDCC ngayong umaga.

Panawagan nilang agarang itigil ng gubyerno ang ginagawang pagpapalayas sa kanila mula sa mga bagong housing unit sa Block 23 at 24 sa Kasiglahan. Kanila itong inokupa matapos ang malaking pagbaha sa relokasyon noong nakaraang Agosto. 

Ayon kay Marlin Palconit, lider ng Kadamay Habagat Chapter, wala na nga daw umanong natupad sa mga serbisyong pangako ng gubyerno, nais pa silang ibalik ng NHA sa dati nilang lugar kung saan abot-bubong ang tubig sa tuwing may pagbaha. 

Nais ng mga raliyista na mabigyan sila ng mga green card bilang katibayan ng kanilang pagtira sa mga pabahay sa , na planong ilaan ng gubyerno para sa mga pamilyang lilipat ng NHA mula sa North Triangle. 

"Nakahanda kaming tularan ang ginawang pagkilos ng mga biktima ng bagyong Pablo sa DSWD office sa Davao City upang mapilitan ang gubyernong Aquino na ibigay ang aming mga lehitimong kahilingan," ani Palconi.### 

Reference: 
Carlito Badion, Kadamay national secretary-general, 0939.387.3736
Marlin Palconit, Kadamay Habagat officer-in-charge, 0921.381.8107

No comments:

Post a Comment