Ang mga vendors sa Phase 2 ng Luneta Park ay nangangamba ngayong umaga na palayasin sila ng mga tauhan ng National Park Development Committee sa kanilang pwesto malapit sa rebulto ng kalabaw. Upang pigilan ang nasabing ebiksyon, plano ng mga vendors na muling barikadahan ang tanggapan ng Department of Tourism na siyang nagpapatupad ng pribatisasyon ng nasabing parke.
Ayon kay Joel Meralpes, tagapagsalita ng People's Democratic Vendors and Hawkers Alliance o PEDHVA-KADAMAY, wala umanong kasing lupit ang administrasyong Aquino sa patuloy nitong paglabag sa karapatan ng mga manininda ng Luneta Park. Umaasa sila, pangunahin ang mga kababaihang maninida, na hindi matuloy ang pagpapalayas sa kanila mula sa kanilang kabuhayan kasabay ng pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng Kababaihan ngayong Marso 8.
Noong Lunes ay nagsumite ang PEDHVA-KADAMAY ng petisyon sa Malacanang upang agarang itigil nito ang planong pribatisasyon ng Rizal Park na anila'y magdudulot ng pagkawala ng kabuhayan ng aabot sa 120 vendors at ng kanilang pamilya, sa ilalim ng Public-Private Partnership program. Bago sila tumulak patungong Malcanang ay binarikadahan muna nila ang harapan ng DOT noong nakaraang Lunes
Dagdag ni Meraples, ang PPP ni Aquino na pangunahing programang pangkaunlaran ni Aquino ang siya ring pangunahing salarin sa lumalalang kalagayan ng mga maralitang Pilipino. Ang malalaking negosyante na siyang magpapatakbo sa Luneta Park, kabilang na ang mga negosyanteng magtatayo ng mga food stall na papalit sa mga stalls ng mga vendors, ang tangi umanong nakikinabang sa ipinagmamalaking pag-unlad ng gubyerno.
"Hindi lang kami at ang aming mga pamilya ang biktima ng planong pribatisasyon ng Luneta Park. Gayundin ang mga ordinaryong mamamayan na kakailanging magbayad ng entrance fee, at mapipilitang bumili ng mahal na pagkain sa mga itatayong food stall sa loob ng Luneta Park. Ito ay kapag tuluyan ng naisapribado ang maituturing na pinakabantog na national park sa bansa," ani Meraples.###
Reference: Joel Miralpes, PEDHVA-Kadamay Secretary, 0933.3126529
No comments:
Post a Comment