Isang linggo matapos ang ginawang pagpapalayas ng awtoridad sa mga vendors ng Luneta, plano ng grupong People's Democratic Hawkers and Vendors Alliance o PEDHVA-Kadamay na sabayan ng protesta ang flag ceremony sa tanggapan ng Department of Tourism (DOT) ngayong Lunes ng umaga.
Kinondena ng grupo ang ginawang paglilipat sa kanilang mga miyembro malapit sa National Museum at ang pagbabakod umanong ginawa sa kanila ng National Park Development Committee (NPDC) sa ilalim ng DOT upang hindi malapitan ng mga namamasyal sa Luneta.
Ayon kay Joel Meralpes, secretary ng PEDHVA-Kadamay, talagang ang nais ng gubyerno ay ang tanggalan sila ng pagkakataon kumita, at gawing ekslusibo ang Rizal Park para sa mga dayuhang negosyante na makikinabang sa pribatisasyon ng national park.
Plano rin ng grupo na magtungo sa Malacanang ngayong umaga upang ihatid ang kanilang petisyon sa Pangulo para itigil ang planong pribatisasyon ng Luneta Park sa ilalim ng Public-Private Partnership, at para ibalik ang mahigit sa 10 vendors na pinalayas noong Martes mula sa kanilang mga pwesto.
Ayon pa sa PEDHVA-Kadamay, hindi lang ang aabot sa 130 manininda sa Luneta at ang kanilang pamilya ang nakatakdang mawawalan ng kabuhayan. Dahil umano sa Zero-Vendors Policy ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ng administrasyong Aquino, plano ring palayasin ang mga maninida sa tabi ng mga bangketa ng lungsod kabilang na ang mga nagtitinda sa gilid ng Mendiola.
"Sa matuwid na daan ni Aquino, mga dayuhang negosyante lamang ang maaring magtinda sa mga lugar na pag-aari ng publiko na ngayon ay nais nang isapribado sa ilalim ng programang Public-Private Partnership," ani Meralpes.
Ayon naman kay Joy Lumawod ng Kadamay-Manila Chapter, aabot sa 1.4 milyong maralitang pamilya ang planong palayasin ng gubyerno mula sa kanilang mga tahanan at pinagkukunan ng kabuhayan sa pagpapatupad nito ng unang 50 PPP projects sa Metro Manila. ###
References:
Joy Lumawod, Kadamay-Manila chair, 09234022148
Joel Meralpes, PEDHVA Secretary, 09333126529
No comments:
Post a Comment