Translate

Monday, June 17, 2013

Alyansa Kontra Demolisyon, kinumpara si DILG Sec. Roxas sa yumaong si Jesse Robredo

Dismayado ang mga grupo ng maralitang lungsod sa ilalim ng Alyansa Kontra Demolisyon sa naging dialogo ng kanilang grupo sa opisina ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Hindi naiwasang ihambing ng mga maralita sa yumaong kalihim ng DILG na si Jessie Robredo ang kasalukyang DILG Sec. Mar Roxas na umano'y kinatawan ng malalaking lokal at dayuhang negosyante sa loob ng administrasyong Aquino. Nauna ng tinawag ng grupo si Roxas na Mr. Demolition, halaw sa Mr. Palengke na dating taguri sa kalihim.
 
Hindi bababa sa 300 maralita mula sa mga komunidad sa Metro Manila na nahaharap sa banta ng demolisyon ang naglunsad ng kilos-protesta kaninang umaga sa labas ng bagong opisina ng DILG. 

Layon nilang isapormal ang sulat-kamay na Memorandum of Agreement na nilagdaan ng DILG Undersecretary Francisco Fernandez noong Mayo 29 na nagpapatupad ng tigil-demolisyon sa mga danger area sa Metro Manila (see attached copy of MOA)

Reklamo ng grupo, tila walang bisa ang nasabing MOA sapagkat natuloy pa rin ang demolisyon sa isang danger area Brgy Bignay Valenzuela noong Mayo 31 kung saan 312 pamilya ang nawalan ng tirahan, at isang 2-gulang na bata ang nadislocate ang mga buto sa leeg.

Hiling din  ng mga maralita na paliwigin pa ang saklaw ng nasabing MOA upang maipatigil din sa kagyat ang mga demolisyon sa iba pang komunidad ng maralita sa buong bansa.
 
Reference: Carlito Badion, AKD lead convenor, 0939.387.3736

No comments:

Post a Comment