Hindi lang mga nakatira sa Metro Manila ang maya't mayang
nangangamba dahil sa mga pagbaha ngayong pumasok na ang panahon ng bagyo
at tag-ulan sa bansa.
Bukas ng umaga, maglulunsad ng bayanihan ang mga nakatira sa mga pabahay ng National Housing Authority sa Rodriguez, Rizal bilang paghahanda sa panibagong delubyo kaakibat ng walang patlang na pag-ulan. Gamit ang mga pala at sako, plano nilang palalalimin ang Montalban River at magtayo ng mga dike gawa sa mga sandbags.
Ayon kay Marlin Palconit, lider ng KADAMAY-Montalban, mag-iisang taon na mula ang naganap na delubyo sa Montalban kasabay ng pananalasa ng Hanging Habagat, ngunit hanggang ngayon, wala pa ring ginagawa ang lokal at pambansang pamahalaan upang tiyaking hindi na maulit ang kaparehas na trahedya.
Sinisisi rin ng mga relocatees ang pagdadala sa kanila ng gubyerno sa relocation sites sa Kasiglahan Village na kung tawagin nila ay mga death zones.
Noong Agosto 2012, nalubog ang libu-libo nating kababayan sa higanteng baha dahil sa walang-tigil na pag-ulang hatid ng hanging Habagat. Ayon sa mga relocatees, ang mga ligal at iligal na large-scale operations ng pagmimina at pagtotroso sa mga bundok ng probinsya ng Rizal ang nasa likod ng mga pagbaha sa kanilang lugar at sa Metro Manila.
Sinungaling ang gubyerno
Ayon naman kay Gloria Arellano, pambansang tagapangulo ng KADAMAY, sinungaling ang administrasyong Aquino sa paninisi sa mga informal setter na nakatira sa tabi ng mga estero at ilog sa Metro Manila na umano bumabara sa mga daanan ng tubig .
“Walang ibang dapat managot sa dumadalas at lumalalang mga insidente ng pagbaha sa Metro Manila at iba pang syudad kundi si Aquino mismo na nagpapahintulot sa malawakang pagmimina at pagtotroso sa kabundukan sa pa,” ani Arellano.
Dagdag pa ng KADAMAY, sa ilalim ng administrasyong Aquino, 16 na permit ang ibinigay ng gubyerno sa mga malalaking logging companies sa bisa ng Integrated Forest Management Agreements o IFMA, habang patuloy pa ang panghihikayat nito sa mga large-scale mining companies na wasakin ang ating mga kabundukan sa bisa naman ng Mining Act of 1995.
Nagpapalala rin umano sa pagbaha sa Metro Manila, ayon sa KADAMAY, ang palpak na drainage system at mga pumping station sa bansa.
Simula 2012, naglaan ang gubyerno ng halagang P13 bilyon upang pondohan ang ipinagmamalaki nitong Metro Manila flood control masterplan.

REFERENCES:
Marlin Falconit, KADAMAY Montalban, 09983098175
Gloria Arellano, KADAMAY National Chair, 09213927457
No comments:
Post a Comment