Matapos kasuhan ang ilang lider ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY kahapon, nagpaplano na rin ang grupo na magsampa ng kanilang kaso laban sa Quezon City Police District sa pangunguna ni Superintendent Pedro Sanchez na commander ng Masambong Police Precint.
Kahapon ay nakipagkonsultahan na umano ang mga lider ng KADAMAY sa kanilang abugado upang aralin ang kasong isasampa sa kanilang kaso. Kasong multiple cases ng physical injury ang isasampa ng KADAMAY laban kay Sanchez na nagsilbing ground commander sa hanay ng kapulisan noong Lunes, at iba pa nyang kasamahan. Pinag-aaralan din ang kasong abuse of authority laban sa QCPD.
Iginigiit ng KADAMAY na mula sa hanay ng kapulisan ang nanguna sa naganap na kaguluhan noong Lunes na nauwi sa batuhan sa pagitan ng mga residente at kapulisan kasabay ng plano umanong demolisyon ng kabahayan ng 500 pamilya sa tabi ng Agham Road sa Sitio San Roque, North Triangle.
Inihahanda na ng KADAMAY ang mga dokumento tulad ng medico-legal record ng mga nasaktang residente. Higit sa 10 residente ang seryosong nasaktan sa naganap na insidente sa Agham. 2 sa kanila ang pumutok ang ulo dahil sa pamamalo na ginawa ng QCPD.
Kagaya ng kasong libelo ni isinampa sa Office of the Ombudsman kahapon laban kay Mayor Bautista, inaaral rin ng grupo na kasuhan sila Sanchez sa Ombudsman liban sa kasong isasampa sa QC Regional Trial Court. ###
Reference: Carlito Badion, KADAMAY national vice-chair, 0939.387.3736
No comments:
Post a Comment