Translate

Wednesday, July 3, 2013

Grupong KADAMAY, nanawagan sa mga maralita sa tabing-estero ng wag tanggapin ang 18K

Nanawagan ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o KADAMAY sa mga apektadong pamilya sa tabi ng daanan ng tubig na wag tanggapin ang P18,000 alok ng Department of Interior and Local Government.

Ang nasabing halaga ay bilang rental subsidy habang hinihintay matayo ang mga lilipatan nilang incity relocation para sa mga apektadong pamilya.  

Ayo sa grupo, mahaba na umano ang listahan ng panlilinlang ng gubyerno sa panlilinlang sa mga maralitang apketado ng demolisyon upang tumanggap sila ng mga alok na financial assistance.

Kadalasan umano na hindi natutuloy ang mga ipinangakong in-city relocation ng gubyerno, o kung matayo man ang mga ito ay hindi talaga mga apektado ng demolisyon ang nagiging benepisyaryo.

Inaasahan ng KADAMAY na marami sa aabot sa 20,000 pamilyang nakatira sa tabing-ilog ang lalabas na diskwalipikado kapag naipatupad na ng gubyerno proseso ng pamimili sa mga benepisyaryo sapagkat wala namang kakayahan ang mga maralita na magbayad ng buwanang amortisasyon sa pabahay.

Dagdag pa ng KADAMAY, hindi serbisyo ang layunin ng mga pabahay na itinatayo ng gubyerno, kundi ang pagkakitaan pa ang mga maralita ng mga negosyante tulad ni Jerry Acuzar na may-ari ng New San Jose Builders at may malakas umanong impluwensya sa gabinete ng administrasyong Aquino.

Ang malupit pa umano dito, ginagamit ng mga nasabing negosyante ang pondo ng taumbayan tulad ng P20B na inilabas ng Malacanang upang pagkakitaan ang relokasyon ng mga maralitang pamilya.

Pagwawakas ng KADAMAY, hindi dapat galawin ng gubyerno ang mga maralitang nasa tabing estero hangga't hindi pa umano naitatayo ang mga lilipatan nilang pabahay malapit sa kanilang komunidad.

Kasabay ng paglikha ng mga trabaho at industriya, dapat rin umano abot-kaya kung hindi man libre ang mga itatayong pabahay ng gubyerno para sa mga nakatira sa tabing estero sapagkat kapalit ito ng strukturang pinaghirapang itayo ng mga maralita sa kakarampot nilang naitatabi mula sa kanilang kita.###

Reference: Estrelieta Bagasbas, KADAMAY national vice chairperson, 09089987119

No comments:

Post a Comment