Habang nanatili ang mga banta ng demolisyon sa iba't ibang komunidad ng maralita sa buong bansa, ikinagalak ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang pagsasampa ng House Resolution 120 ngayong umaga na naglalayong magpatupad ng nationwide moratorium on demolition sa buong bansa.
Isinampa ni Anakpawis Partylist Fernando Hicap ang nasabing House Resolution kasama ang iba't ibang lider-maralita ngayong umaga sa BIlls & Index Section ng House of Representative. Sinabayan din ito ng piket ng iba't ibang grupo ng maralita sa South Gate ng Batasan Pambansa sa Quezon City ngayong araw.
Inaasahan ng KADAMAY na magbibigay ng kapanatagan ang nasabing hakbangpara sa libu-libong maralitang nahaharap ngayon sa iba't ibang banta na nagpapalayas sa kanilang komunidad kung kaagad itong diringgin ng mga mambabatas.
Nangunguna na umano sa nasabing listahan ang aabot sa 20,000 pamilya bingyan ng taning na umalis kanilang lugar sa tabi ng mga daanan ng tubig sa Metro Manila, gayundin ang mga komunidad sa Quezon City na anumang oras ay maari nang idemolis ayon sa opisina ni Tadeo Palma kabilang na Payatas, Old Balara, West Kamias at North Triangle.
Samantala, nagpatawag din ang opisina ng Kabataan at Anakpawis Partylist ng isang consultative forum sa loob ng Batasan ngayong hapon na dadaluhan rin ng iba't ibang lider-maralita na nahaharap sa demolisyon.
Ayon kay Carlitio Badion, convenor ng Alyansa Kontra Demolisyon at secretary-general ng KADAMAY, dapat agarang aksyunan ng kongreso ang lumalalang paglabag sa karapatan ng libu-libong maralitang lungsod sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Sa tala ng KADAMAY, hindi bababa sa 70,000 pamilya ang naharap sa banta ng demolisyon at nawalan ng tahanan sa loob ng tatlong taong panunungkulan ng administrasyong Aquino. Ngayong araw,nakabarikada ang mga residente sa tabing estero sa Barangay West Kamias matapos silang makatanggap ng ulat sa paparating na demolition team sa kanilang lugar. Inumpisahan noong nakaraang Byernes ang paggiba ng health center sa West Kamias.
Samantala, bukas ay nakahanda namang biguin ng mga residente ng Barangay Bagong Silangan ang nakaambang pagpapalayas sa mga nakatira sa tabing-Ilog matapos silang taningan hanggang Hulyo 30 ng lokal na pamahalaan para lisanin ang kanilang lugar.###

No comments:
Post a Comment