Kasabay ng Million People March sa Ayala ngayong araw, naglunsad ng protesta ang mga komunidad ng maralita sa pangunguna ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) upang kondenahin ang korupsyon umano sa Informal Settler Fund na mula sa Disbursement Acceleration Program ng administrasyong Aquino.
Ang nasabing pondo para sa pabahay ng maralitang lungsod ay nagkakahalaga ng P10B kada taon simula 2011. Inanunsyo ng Malacanang na ang kabuuang halaga nito ay aabot sa P50B hanggang 2016.
Ayon sa KADAMAY, katiting lamang halos kalahating bilyong pisong DAF na napunta sa mga senador bago at matapos ang impeachment trial ni Chief Justice Corona noong 2012 kumpara sa higanteng pork barrel na ito ng Malacanang.
Taliwas sa layunin ng DAP na pabilisin ang paglakas ng lokal na ekonomiya, ang pakay umano ng ISF ay bigyang daan ang pagkulimbat ng administrasyong Aquino mula sa pondo ng taumbayan.
PNOY Fund
Noong Nobyembre 23, 2011, ang unang bulto ng P10B ISF na tinawag na PNOY Fund ay napunta sa pamamahala ng National Housing Authority (NHA) sa pamamagitan ng Special Allotment Release Order No. F-01836.
Walong proyekto ng pabahay sa ilalim ng NHA, 6 sa ilalim ng mga LGU, at 6 mula sa mga Civil Society Organization (CSO) proposal ang makikinabang umano sa PNOY Fund. (Tingnan ang listahan ng proyekto sa ibaba.)
Ngunit ayon sa KADAMAY, malaking bahagi umano sa ISF ang nailaan sa pagtatayo ng mga off-city relocation sites sa halip na gamitin upang pondohon ang mga proyektong in-city resettlement para sa mga maralita. Dinadahilan umano ng NHA ang kawalan ng lupang pagtitirikan ng mga in-city resettlement sa Metro Manila. Malaking bahagi umano sa pondong inilaan sa mga off-city relocation ang napunta lamang sa mga buwaya sa loob ng NHA at mga debeloper, at isang katibayan nito ang mga tinipid ng konstruksyon ng mga pabahay.
Ochoa, Belmonte, hinihinalang dawit sa korupsyon sa ISF
"Isa sa mga hinihinala naming nakikinabang mula sa ISF ang mafia sa loob ng administrasyon Aquino na pinamumunuan nila Executive Secretary Paquito Ochoa at House Speaker Sonny Belmonte," ani Carlito Badion, national sec-gen ng KADAMAY. Madikit umano ang dalawang opisyal ng administrasyong Aquino sa New San Jose Builders, Inc, isang debeloper na ang may-ari na si Jerry Acuzar ay bayaw ni Ochoa, dagdag ng lider.
Simula ng maluklok si Aquino, libu-libong pabahay ang itinayo ng kumpanya sa Rodriguez , Rizal na ngayon ay idineklara ng condemned o inhabitable. Kabilang na dito ang halos 2,000 unit na nalubog sa baha sa pananalasa ng hanging Habagat noong Agosto 2012. Kalakhan umano sa inililikas sa mga relokasyon sa Rodriguez ay mula sa Quezon City.
COA Audit report ng ISF
Noong Setyembre 27, sumulat ang KADAMAY kay Commission on Audit chair Grace Pulido-Tan upang ilabas ng ahensya ang audit report ng aabot na sa P30B Informal Settler Fund.
"May karapatan ang mga maralitang dapat ay makinabang sa ISF na malaman kung saan napunta ang multi-bilyong pondong ito, kabilang na ang mga kontratang pinasok ng National Housing Authority katuwang ang mga pribadong kumpanya gaya ng New San Jose Builders," ani Badion.
"Malinaw na hindi kayang masosolusyunan ng gubyerno ang lumalalang krisis sa pabahay sa bansa dahil sa tindi ng koruspyon sa ilalim ng administrasyong Aquino," ani Badion na nagbanggit na aabot na 4.65 milyong pabahay ang housing backlog ng gubyerno sa taong 2016.
Liban umano sa todo-paninira ng estado sa mga maralitang lungsod lalo na sa mga nakatira sa tinatawag nitong 'danger areas,' pinagkakakitaan pa ang mga maralita ng mga buwaya sa pondo sa pabahay ng gubyerno, ayon sa lider. Malupit din umano ang ginagawang paniningil ng mga debeloper at ng NHA sa mga relocatee ng amortisasyon na 10 beses ang laki sa tunay na halaga ng mga housing unit. ###

Listahan ng proyekto sa pabahay na gagastusan sa unang batch ng Informal Settler Fund noong 2011 (http://www.nha.gov.ph/news/ thumbnails/10b_res_fund.html)
No comments:
Post a Comment