Translate

Thursday, October 3, 2013

Maralita ng Waterhole sa Brgy. Commonwealth, naninindigang hindi aalis sa pagtatapos ng demolition deadline ngayong araw

Pork barrel ni Aquino, ginagamit sa demolisyon ng maralitang komunidad--KADAMAY

Naninindigan ang mga maralita ng Waterhole Compound, Barangay Commonwealth, Quezon City na hindi nila lilisanin ang lupang kintitirikan ng kanilang tahanan. Ito ay sa pagatatapos ngayong araw ng 15-araw na palugit na ibinigay ng lokal na pamahalaan upang kusa nilang lisanin ang kanilang lugar.



Sa Notice of Eviction na inihain sa mga residente noong Setyembre 8, binanggit ni Marlowe Jacutin, head ng Task Force COPRISS sa ilalim ng QC LGU, na iligal ang mga struktura ng higit sa 20 pamilyang nakatira sa tabi ng ilog na pag-aari umano ng isang pribadong kompanyang BMI Realty Corporation.

Sa kasulatang natanggap ng mga residente, inireklamo rin ng barangay ang umano'y pagtatapon ng mga residente ng mga plastik sa katabing ilog. Ayon din sa barangay, nagsisilbing tambakan ng mga basurang plastik ang komunidad.

Ayon kay Shirley Carillo, lider ng Samahan ng Magkakapitbahay sa Waterhole, "Lingid sa kaalaman ng awtoridad, ang pagpaplastik ang tanging ikinabubuhay ng mga residente, at kung palalayasin pa kami ng gubyerno sa lugar na kinatitirikan ng aming mga tahanan, tiyak na ibayong kahirapan lamang ang idudulot nito sa aming pamilya."

Sa paglilinis ng plastik sa katabing ilog nabubuhay ang mga residente sa Waterhole Compound. Mula sa kalapit na Payatas Landfill nagmumula ang mga materyales na kapag nalinis na ay naibebenta nila sa mga recycling factory ng plastik.

Samantala, ayon kay Carlito Badion, national secretary-general ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), karimarimarin ang ginagawang pagpapahirap ng administrasyong Aquino sa maralitang lungsod, sa kabila ng korupsyong ginagawa nito sa pondo ng taumbayan.



I-demolish ang masyon ni Napoles at mga kurap na pulitiko

"Dapat ang mga mansyon ni Napoles, ni Aquino at ng mga kurakot na senador at kongresista ang dapat idinidemolish at hindi ang mga barung-barong ng mga maralita," ani Badion.

"Sa halip na gastusin ng gubyerno ang bilyong pondo nito para bigyan ng trabaho, itaas ang sahod, at sa disenteng pabahay para sa mga maralita, isinusulong pa ni Aquino ang malawakang demolisyon sa programa nitong Public-Private Partnership. Malaki ang kickback na nakukulimbat ng administrasyong Aquino sa mga kontrata ng gubyerno katuwang ang mga malalaking negosyante at mga debeloper ng lupa at mga negosyong pabahay," ani Badion.

Pork Barrel ni Aquino, para sa demolisyon ng maralitang komunidad

Isa sa mga tinukoy ng KADAMAY ang New San Jose Builders, Inc, taga-gawa ng mmurang pabahay ng gubyerno, at pamgmamay-ari ni Jerry Acuzar na bayaw ng Executive Secretary ni Aquino na si Paquito Ochoa, bilang isang kasapakat ng pangulo sa nasabing korupsyon.

Kada-taon simula 2011, P10-B Informal Settler Fund mula sa Disbursement Acceleration Program ng Department of Budget and Management ang inilalaan ni Aquino para umano sa relokasyon ng mga maralitang lungsod mula sa mga danger areas.

"Lingid sa kaalaman ng nakararami, hindi napapakinabangan bagkus ay ginagamit pa ang pondong ito upang palayasin ang mga maralita mula sa lugar ng kanilang hanapbuhay. Isang katiyakan na sa bulsa ng mga buwaya sa gubyerno lamang napupunta ang kalakhan sa nabanggit na pork barrel ng pangulo," ani Badion.

Panawagan ng maralitang lungsod: Patalsikin si Aquino

"Kasabay ng aming panawagan para sa pag-abolish sa pork barrel sistem ang panawagan ng maralitang lungsod para kumilos at patalsikin ang kurap at elitistang si Aquino," pagwawakas ni Badion.

Sapat na umano ang tatlong taong pagkukunwari ni Aquino na isang malinis at maka-maralitang pangulo sa kabila ng pasismong hatid nya sa taumbayan.###

References: Shirley Carillo, SMW-Kadamay Pres , 09186333898
Carlito Badion, KADAMAY National Sec-gen, 09393873736

No comments:

Post a Comment