Nagsagawa ng feeding program para sa mga kabataan ang mga maralita mula sa komunidad ng Plastikan malapit sa tambakan ng basura ng Payatas sa Quezon City.
Ang kanilang feeding program ay bahagi ng kanilang taunang protesta kasabay ng World Food Day upang ipakita umano ang lumalalang kagutuman sa ilalim ng administrasyong Aquino.
Ayon kay Normelito Rubis, lider ng Samahan ng Nagkakaisa sa Plastikan-Kadamay, nasa likod umano ng lumalalang kagutuman sa hanay ng mga maralitang lungsod ang kainutilan ng gubyerno na maglikha ng trabaho, sa kabila ng bilyong pisong pondo ng taumbayan na ginamit ni Aquino para sa kanyang kontrobesyal na Disbursement Acceleration Program.
Mula nang maluklok si Aquino sa poder, tumaas kapwa ang bilang ng naghihirap at nagugutom na Pilipino. Ayon sa SWS Survey, mula 8.9 milyong pamilya noong 2010, naging 12.1 M noong 2014 ang maralitang pamilyang lugmok sa matinding kahirapan. Lumakirin ang bilang ng mga nagugutom na pamilya mula sa taunang average sa 3.6M noong 2010 patungong 3.9M sa Marso ng 2014.
Pangunahing nasa likod nito ang lumalang kalagayan ng mga Pilipino na lumalawak na kawalang-trabaho sa bansa. Sa kasalukuyan, malayong malaki pa sa 12-13M Pilipino ang walang trabaho mula sa 9.5 noong 2010 kung ayon sa dinoktor na istadistika ng gobyerno sa ‘unemployment’ at ‘underemployment’. Kung pagsasamahin, tinatayang nasa 30M Pilipino ang wala o di kaya ay kulang sa trabaho batay naman sa istadistika ng independent think-tank na Ibon.
"Dahil sa patuloy na paglala ngkawalan ng trabaho sa bansa, ang mga maralitang lungsod ang pinakabulnerable sa walang humpay na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin tulad ng pagkain. Kabilang sila sa sektor na dapat ay pangunahing pinaglalaanan ng pondo ng gubyerno upang matugunan ang kakapusan ng mga batayang serbisyo sa bansa gaya ng edukasyon, pangkalusugan at pabahay," ani Rubis.
"Hangga't nanatili umano ang kawalan ng programa para sa tunay na reporam sa lupa at pambansang industriyalisasyon sa bansa, patuloy na lalala ang kahirapan at kagutumang dinaranas ng mamamayan," pagtatapos ni Rubis.
Nakatakdang lumahok ang mga maralita ng Payatas sa isasagawang malaking protesta sa Mendiola sa darating na Oktubre 21, kasama ang iba pang sektor, upang ipanawagan sa gubyernong Aquino ang pagpapatupad sa tunay na reporma sa lupa sa bansa.
Larawang kuha ni Jenny Haygood ng Ibon Foundation

Paghuhugas ng plastik ang pangunahing ikinabubuhay ng kalakhan sa mga residente sa Dona Nicasia Compound, Brgy. Commonwealth, Quezon City. |

No comments:
Post a Comment