Ayon sa Kadamay, wala umanong ibang nagpahintulot na maganap ang masaklap na insidente kundi mismong si Pangulong Aquino, na tahasang lumagda sa Enhance Defence Cooperation Agreement (EDCA) sa sarili niyang pagpapasya kasabay ng pagbisita ni US President Barrack Obama sa bansa noong Abril.
Hinihiling din namin ng grupo kay Aquino ang paghingi niya ng paumanhin sa sambayanang Pilipino, lalo na sa mga kababaihan at mga women transgenders, na patuloy niya umanong inilalagay ang buhay sa peligro sa paglalabas-masok ng mga dayuhang tropa sa Pilipinas
Ang EDCA ay nagpapahintulot sa walang kontrol na pagpasok at pamamalagi ng mga tropang kano sa bansa, at paggamit sa mga baseng militar ng Pilipinas para paglagakan ng mga tropa at armas-militar ng Estados Unidos.
Ang paglagda ni Aquino sa EDCA noong Abril, nang walang kaukulang pahintulot ng Kongreso at ng sambayanang Pilipino, ay isang malinaw na kataksilan ng pangulo sa soberanya ng bansa. Ito umano ay isa mga batayan ng mga isinampang impeachment complaint laban sa kay Aquino sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kasalukuyan ding dinidinig sa Korte Supremo ang constitutionality ng EDCA.
Hiling naman ng Kadamay sa pamilya ni Jenny na wag magpapalinlang sa mga alok ng gubyerno ng Pilipinas at ng Estados Unidos at iatras ang pagsasampa ng kaso sa may salang US Marines, kagaya umano ng ginawa noon ni Nicole, isang biktima ng panghahalay ng mga US Marines sa Subic.
Dagdag ng Kadamay, liban sa nabanggit na kasalanan ni Aquino, dapat rin umano itong managot lumalalang kawalang trabaho sa bansa na nagtutulak sa libu-libo nating kababayan na pumasok sa prostitusyon, at malagay ang kanilang buhay sa panganib. ###
No comments:
Post a Comment