Walang dapat ikatuwa ang mamamayan sa bagong anunsyo ng National Economic Development Authority (NEDA) na lumiit ang bilang ng walang trabaho sa bansa ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay. Ayon naman sa NEDA, lumiit patungong 6% ang unemployment rate sa bansa (hindi kasama ang probinsya ng Leyte) base sa isinagawang Labor Force Survey para sa buwan ng Oktubre 2014, mula 6.4% noong nakaraang dalawang taon.
Dagdag pa ng Kadamay, isang 'magic' ang bagong labas na serbey ng NEDA sapagkat matagal na umanong minamanipula ng gubyerno ang tantos ng kawalang-trabaho sa bansa. Ang tunay na bilang ng walang trabaho sa bansa sa tantya ng Kadamay ay aabot sa 12-13 milyong Pilipino at ito umano ang nasa likod ng makasaysayang tantos ng kahirapan at kagutuman ng mga Pilipino.
Ani Gloria Arellano, tagapangulo ng Kadamay, anumang karagdagang trabaho na nalilikha ng gubyerno ay panandalian lamang, sapagkat pinapanatili mismo nito alinsunod sa mga neoliberal na patakaran sa ekonomiya ang malawak na kawalang-trabaho sa bansa.
"Ang pagmantini sa malawak na kawalang-trabaho sa bansa ay pamamaraan para mapanatili ang maliit na pasahod sa mga manggagawang Pilipino, at para mag-agawan sila sa iilang kontraktwal na trabaho," dagdag ni Arellano.
Ang kunwaring pagbaba ng unemployment rate sa bansa ay magsisilbi lamang sa popularidad ni Pangulong Aquino na patuloy na dumadausdos dahil sa tumitinding kahirapan at korapsyon sa ilalim ng kanyang administrasyon," ani Arellano.
Pagwawakas ng lider, sa halip na magsinungaling, dapat umanong ipatupad ng gubyerno ang kadama-buwang P16,000 national minimum wage para sa lahat ng manggagawa sa pribado at pampublikong sektor at dapat kumawala na ang gubyerno sa mga neoliberal na patakarang nagpapanatili sa basot na lokal na ekonomiya at ng malawak na kawalang-trabaho sa bansa. ###

No comments:
Post a Comment