Translate

Friday, December 5, 2014

Grupong Kadamay, kinondena ng pagwasak sa tindahan ng mga maralita sa Tacloban City sa gitna ng paghahanda para sa Bagyong Ruby





Nanawagan ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihihrap o Kadamay sa mga maralitang lungsod at taga-suporta ng mga survivor ng Bagyong Yolanda na kondenahin ang ginawang pagwasak sa mga istruktura ng mga maralita na saklaw ng No Build Zone sa Tacloban City sa Leyte.

Ayon kay Carlito Badion, nakakagalit umano ang ginawa ng Tacloban City LGU na ginamit pa ang pagdating ng Bagyong Ruby para itaboy ang mga maralitang manininda sa public market ng syudad.

Ayon sa City Inspection and Enforcement Division ng City Engineer's Office, kailangang wasakin ang mga istruktura ng mga maralitang manininda para maiwasan ang pagkakaroon ng mga kalat sa kalsada ng Tacloban City sa posibilidad ng panibagong storm surge na tatama sa syudad.

Mahigit isang taon matapos ang pananalasa ng Bagyong Yolanda, sa halip na tulungang makabangon ang mga maralitang biktima ng kalamidad, pagwasak pa sa kabuhayan ng mga maralita ang tanging ginagawa ng gubyernong Aquino, ayon kay Badion.

Ang pagbalik sa mga No Build Zone ay manipestasyon lang ng kapalpakan ng gubyerno na maglikha ng trabaho at kabuhayann para sa mga nasalanta ng bagyo sa kabila ng bilyung-bilyong pisong aid na natanggap ng gubyerno para sa mga biktima.

Dagdag pa ng lider, wala umanong pagpipilian ang mga maralita kundi ang labanan at biguin ang patakarang No Build Zone na ipinapatupad ng gubyerno para lamang bigyang-daan ang pagpasok ng malalaking negosyante sa mga lugar na dating inookupa ng mga komunidad ng maralitang lungsod.

"Walang ibang dapat gawin ang mga maralita ng Tacloban at ng iba pang sentrong bayan sa bansa kundi ang patalsikin ang rehimeng US-Aquino at ang pabagsakin ang bulok na sistemang nagsasadlak sa mga maralita sa ibayong kahirapan sa ngalan ng pangkaunlarang programang pumapabor lamang sa interes ng dayuhan at iilan," pagwawakas ni Badion.

Please refer to release of Kadamay Tacloban and related photos at https://www.facebook.com/kadamay.tacloban?fref=ts.

No comments:

Post a Comment