Sa kabila ng ilang taong pagsusumikap ng gubyerno na itaboy ang mga residente, marami ang tumuligsa sa gubyernong Aquino na nagsabing maayos na natapos ang demolisyon sa Agham Road.
Lumahok kaninang umaga ang mga pamilyang dating residente ng Sitio San Roque na inilikas ng National Housing Authority sa pabahay nito St. Martha Estate, Brgy Batia, Bocaue, Bulacan.
Sa kanilang protesta sa lokal na opisina ng NHA, konindena ang kapalpakan ng ahensya na ibigay ang mga ipingako sa kanilang serbisyo nang ilipat sila sa pabahay, gaya ng direktaang kabit ng kuryente at tubig.
Samantala, nagmartsa naman mula sa Agham Road ang mga residente ng San Roque na patuloy na nahaharap sa banta ng demolisyon patungo sa bahay ni Pangulong Aquino sa Times St. Bahagi sila ng aabot sa 6,000-7,000 pamilyang nanatili pa sa komunidad simula ng ipatupad ang demolisyon noong 2010 para sa Quezon City Central Business District.
Kasama nila sa protesta ang ilang relocatees mula sa Montalban na biktima rin ng demolisyon sa Agham Road noong Enero 2015.
Suot ang mga itim na belo, dala-dala nila ang isang effigy na ataul bilang panawagan ng hustisya para sa kay Resty Torres, 65, residente ng San Roque na nasawi dahil sa paglanghap ng tear gas sa kasagsagan ng demolisyon sa Agham.
Ayon kay Estrelieta "Ka Inday" Bagsabas, lider ng mga residente ng North Triangle, ang mga maralita ng North Triangle ay isa sa mga dumanas ng pinamarahas na panunupiil ng rehimeng Aquino.
"Sirang-sira na sa aming mga maralita ang administrasyong Aquino dahil sa mga kontra-maralita nitong patakaran na nagpapalayas sa amin sa aming mga komunidad at pinagmumulann ng kabuhayan," ani Bagasbas.
Halos tatlong buwan matapos maluklok sa Malacanang, ipinatupad ni Aquino ang demolisyon sa San Roque noong Setyember 23, 2010. Ngunit nabigo ito ng mga residente sa ginawa nilang barikada na naglikha ng masikip na trapiko sa EDSA na tumagal ng mahigit pitong oras.
Sa tala ng NHA, aabot na sa 7,000 pamilya na ang nailikas nito mula sa San Roque patungo sa mga pabahay ng gubyerno sa Montalban, Rizal, Balagtas, Bocaue at San Jose Del Monte, Bulacan.
Ngunit ani Bagasbas, kalakhan sa mga nag-relocate ay bumabalik dahil sa matinding kahirapan at kawalan ng batayang serbisyong panlipunan sa relokasyon.
Kabilang sa mga bumalik mula sa relokasyon si Jesselyn Asadon, 20, may asawa at isang anak at dating residente ng Agham na nawalan ng bahay noong Enero 2014. Inilikas siya ng gubyerno patungo sa relokasyon sa Montalban kasama ang mahigit 100 pamilya. Ngunit kasama si Jesselyn sa iniwan ang relokasyon dahil sa walang mapagkuna ng ikakabubuhay ang kanyang pamilya.
Si Jesselyn ay nakatira ngayon sa isang kubol sa bangketa ng Agham Road kung saan ang kanyang mister ang nagpapasada ng pedicab bilang kabuhayan.
No comments:
Post a Comment