Mariing konondena ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay ang paggamit ng rehimeng US-Aquino sa mga programa ng gubyerno para sa mahihirap, gaya ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps at ang Philhealth program upang pigilan ang mga maralita na lumahok sa isasagawang protesta na nanawagan sa pagbibitiw ni Pangulong Aquino sa poder.
Ayon kay Carltio Badion, national secretary-general, mataas ang pangamba ng Malacanang na maglilikha ng ispontansyong paglahok mula sa ordinaryong mamamayan ang mga protesta sa mga darating na araw kung kaya't pinipigilan ng rehimen na mag-umpisa ang mga ito sa iba't ibang paraan.
Kapit-tuko rin umano ang rehimeng US-Aquino sa poder, matapos ang ginawang pagharang sa mga ralisyista kahapon na nakatkdang magprograma sa harap ng Crame at EDSA Shrine bilang paggunita sa anibersaryo ng EDSA People Power.
"May pumasok sa aming ulat na nagpapatawag ang DSWD sa pabahay ng gubyerno sa Rodiriguez (Montalban), Rizal ng pagpupulong sa libu-libo nitong maralitang benepisyaryo ng 4Ps bukas Pebrero 27. Bukas umano nakatakdang mamahagi ng buwanang financial assistance para sa mga benesyaryo, ayon sa ulat ng mga kasapi ng Kadamay sa relokasyon," ani Badion.
Samantala, nakatanggap din ng ulat ang Kadamay na nag-iikot ngayong araw ang de-trompang sasakyan ng lokal na pamahalaan sa apat na baranagay ng mga maralita sa Camarin, Caloocan City upang manawagan ng pagdalo sa pagpupulong sa mga barangay bukas. Kailangan umanong dumalo dito ang mga pamilya ng maralita para maging benepisyaryo sila ng Philihealth.
Ayon sa Kadamay, ang mga pulong para sa mga magiging benepisyaryo ng Philhealth ay pinatawag ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa utos mismo ng Malacanang. Posible rin umanong ipatawag din ang kaparehas na pagpupulong sa iba pang komunidad ng maralita kung saan inaasahan ang paglahok ng libu-libong maralita sa mga kilos protesta laban sa administrasyon.
"Hindi dapat gamitin ni Aquino ang pondo at programa ng pamahalaan para magsilbi sa kanyang pansariling interes na manatili sa poder," ani Badion. "Gayunpaman, hindi kayang tapatan ng anumang pagmamaneobra ang pagsamubalt ng galit ng mamamayan bunsod ng tumitinding pambubusabos sa maralita at pagkapapet ng administrasyong Aquino sa Estados Unidos.
Isang malaking protesta ng mga maralita at mamamayan ang nakatakdang ilunsad bukas, Peb 27, patungong Mendiola na nanawagan ng pagbibitiw ni Aquino bilang Pangulo
Plano umano ulitin ng Kadamay kundi man higitan pa ang malaking protesta kanilang inilunsad sa Commonwealth Avenue noong Hulyo sa kanilang martsa bukas patungo sa paanan ng Malacanang.

Paghahanda ng mga kasapi ng Kadamay sa Camarin, Caloocan City para sa malaking pagkilos bukas patungong Malacanang para ipanawagan ang pagbibitiw ni Pangulong Aquino. |
Ayon sa Kadamay, ang mga pulong para sa mga magiging benepisyaryo ng Philhealth ay pinatawag ng lokal na pamahalaan ng Caloocan sa utos mismo ng Malacanang. Posible rin umanong ipatawag din ang kaparehas na pagpupulong sa iba pang komunidad ng maralita kung saan inaasahan ang paglahok ng libu-libong maralita sa mga kilos protesta laban sa administrasyon.
"Hindi dapat gamitin ni Aquino ang pondo at programa ng pamahalaan para magsilbi sa kanyang pansariling interes na manatili sa poder," ani Badion. "Gayunpaman, hindi kayang tapatan ng anumang pagmamaneobra ang pagsamubalt ng galit ng mamamayan bunsod ng tumitinding pambubusabos sa maralita at pagkapapet ng administrasyong Aquino sa Estados Unidos.
Isang malaking protesta ng mga maralita at mamamayan ang nakatakdang ilunsad bukas, Peb 27, patungong Mendiola na nanawagan ng pagbibitiw ni Aquino bilang Pangulo
Plano umano ulitin ng Kadamay kundi man higitan pa ang malaking protesta kanilang inilunsad sa Commonwealth Avenue noong Hulyo sa kanilang martsa bukas patungo sa paanan ng Malacanang.
No comments:
Post a Comment