Wala ng mas lalala pa sa pangulong nakaluklok ngayon sa Malacanang. Noong Setyembre 23, 2010, tatlong buwan mula nang siya ay nahalal sa posisyon, dumanas ang mga maralita ng San Roque ng marahas na demolisyon ng mga tahanan sa tabi ng EDSA. Ilandaan ang nawalan ng tahanan. Naulit ang marahas na demolisyon noong Enero 27-31, 2014 sa tabi ng Agham. Higit 500 pamilya ang nawalan ng tirahan. Marami ang dinahas, kabilang ang isang sanggol na isinugod sa ospital at si Resty Torres na binawian ng buhay matapos makalanghap ng tear gas.
Ang mga ito ay ilan lamang sa mga kasalanan ni Aquino sa mga maralita ng San Roque. Sa gitna ng mababang sahod, malawak na kawalang trabaho at nagtataasang halaga ng mga serbisyo at mga bilihin, walang ginawa si Aquino kundi tayo ay pahirapan. Higit na ramdam ito ng libu-libong pamilyang tumanggap sa alok na pabahay ng gubyerno at ngayon ay dumaranas ng pinakamatinding kahirapan sa mga relokasyon.
Hindi na natin matitiis na manatili pa sa poder ang isang pahirap, korap at tuta ng Amerika na pangulo. Sa gitna ng tuluy-tuloy na kahirapan at banta ng demolisyon sa ating kabahayan, bakit dapat lumahok ang mga residente ng North Triangle sa lumalawak na hanay ng mamamayan na nanawagang magbitiw si Aquino sa poder?
Ito ang mga kasagutan.
1. Ang pagbibitiw ni Aquino o ang pagpapatlsik sa kanya sa katungkulan ang isang tiyak na paraan para mapatigil kahit pansamantala ang nakaambang demolisyon sa Sitio San Roque.
2. Samantala, ang patuloy na paglakas ng panawagan para sa kanyang pagbibitiw ng pangulo ay nagsasandal sa administrasyong Aquino sa pader, at naglilikha ng isang kondisyon para umiwas si Aquino sa pagpapatupad ng mga demolisyon at iba pang hakbangin na labis pang ikakagalit ng mamamayan.
3. Sa pagluklok ng isang People's Transistion Council na siyang papalit kay Aquino sa pamumuno sa bansa, tiyak na magiging bahagi nito ang isang kinatawan mula sa sektor ng mga mahihihrap. Ang konsehong ito ay agarang magpapatupad ng pagpapahinto sa lahat ng mga plano ng demolisyon sa mga maralitang komunidad at iba pa programa ni Aquino ni nagpapahirap sa mamamayan.
Sa ating sama-samang pagkilos, walang hindi tayo magagawa, kahit tayo ay mahihirap. Kasama ang iba pang maralitang labis na binubusabos ni Aquino, tumungo tayo sa labas ng ating mga komunidad upang walang sawang igiit ang ating karaingan. Matagal nang nakilala ang mga residente ng San Roque para sa kanilang militanteng paglaban sa demolisyon at pang-iingay laban sa mga kontra-maralitang patakaran ng gubyerno.
Ngayon na ang tamang panahon para hindi natin lisanin ang ating komundad at makinig sa mga mapanlinlang na mga recruiter. Ngayon na ang tamang panahon para tayo ay manindigan na manatili sa San Roque at labanan ang maka-kapitalistang Quezon City Central Business District. Ngayon na ang tamang panahon para maningil tayo kay Aquino sa kanyang mga kasalanan sa libu-libong maralita ng San Roque at iba pang biktima ng kanyang pambubusabos. Ngayon na ang tamang panahon para patalsikin si Aquino sa pwesto.
Biguin ang Quezon City Central Business District!
Trabaho, pambansang minimum sa sahod, hindi demolisyon!
Labanan ang pambubusabos ng rehimeng US-Aquino!
NOYNOY, PAPET, PAHIRAP, DEMOLITION KING! PATALSIKIN NA!
Pahayag ng Kadamay North Triangle
Marso 8, 2015
Larawan kuha sa protesta ng mga residente ng North Triangle patungong Times Street sa Pandaigdigang Araw ng Kababaihan

No comments:
Post a Comment