Nag-ingay ang iba’t ibang grupo ng maralitang lungsod sa ilalim ng Alyansa Kotra Demolisyon sa labas ng opisina ng Deparment of Interior and Local Government para kondenahin ang mabagal umanong pagtugon ng Bureau of Fire Protection, isang ahensya sa ilalim ng DILG, sa pag-apula ng mga magkakasunod na sunog sa mga maralitang komunidad. Nanglampag din ng grupo sa labas ng bahay ni Pangulong Aquino sa Times Street para ipakita ang kapabayaan umano ng gubyerno sa mga maralitang biktima na nawalan ng tirahan at sa malawakang pagpapalayas sa mga maralita mula sa kanilang komunidad para sa interes ng negosyo.
Inalamhan din ng mga maralita ang magkakasunud na kaso ng mga sunog sa mga maralitang komunidad lalo na ang mga komunidad na nahaharap sa banta ng demolisyon dahil sa pagpapatupad ng mga proyektong Public-Private Partnership ng gubyerno. Ang ilan umano sa mga naganap na sunog ay maituturing na mga kaso ng arson o sadyang panununog na ang layon ay palayasin ang mga maralita sa lugar na kinatitirikan ng kanilang tahanan.
Ayon kay Estrelieta Bagasbas, tagapagsalita ng AKD, ang sadyang panununog ay matagal ng taktika ng demolisyon na ipinapatupad ng gubyerno. Ito umano ang nanatilling “pinakamabalis, pinakadamadali at pinakamurang paraan para palayasin ang mga maralita mula sa mga lupang target idevelop ng gubyerno at ng mga negosyante.”
Dagdag pa ng grupo, hindi lang kabayahan ang natutupok kundi pati ang ang buhay ng mga maralita.
Sa insiyal na datos na nalikom ng AKD mula Enero hanggang Marso ngayong taon, aabot na sa 7,746 ang bilang ng mga pamilya ng maralitang lungsod ang nawalan ng tirahan sa 19 na pinakamalalaking kaso ng sunog na kalahan ay Metro Manila naganap. Sa mga nasabing kaso, 26 na maralita ang nagbuwis ng buhay. Kahapon, 2 maralita ang nagbuwis ng buhay sa isang sunog sa Cagayan De Oro City.
Samantala, ayon sa tala ng BFP, mula Enero 1 hanggang Pebrero 27, nasa 615 na magkakahiwalay na kaso ng sunog ang naitala nila sa Metro Manila pa lamang. Ang buwan ng Marso ay itinakda bilang Fire Prevention Month sa bisa ng isang proklamasyon ni dating pangulong Ferdinand Marcos dahil sa dalas ng kaso ng sunog sa buwan na ito na umpisa ng panahon ng tag-init. Ayon pa sa BFP, pangunahing sanhi ng sunog ang problema sa mga linya ng kuryente.
Ngunit ayon sa AKD, malaki ang pananagutan ni Aquino na tiyakin ang disenteng pabahay at abot-kayang serbisyo para sa mga maralita. "Sa panahong nagtataasan ang mga halaga ng bilhin at singil sa kuryente, ang napakaliit na sahod at ang malawak na kawalang trabaho sa bansa ang dahilan kung bakit maraming maralita ang nasasapatang tumira sa mga maralitang komunidad o 'slum cmmunities' kung saan siksikan ang mga istruktura na madaling matupok ng apoy,” ani Bagasbas,
Wala rin umanong malaking epekto ang mga fire drills na ipainapatupad ng DILG katuwang ang mga LGU sapagkat mismong ang gubyerno at ang kasapakat nitong mga negosyante ang kadalasang nasa likod ng panununog sa mga komunidad.
Nililikom na umano ng kanilang grupo ang mga pahayag ng mga residente at iba pang ebidensya na nagpapakita ng papel ng mga nasa kinauukulan sa pagpapatupad ng demolisyon, gayundin ang mga kapalpakan ng ng ilang tauhan ng BFP.
Dagdag pa ni Bagasbas, “abalang-abala rin umano ang Malacanang sa pagtatakip sa kapalpakan ni Aquino kaya’t hindi rin nito maasikaso ang libu-libong maralitang nawalan ng tirahan at ngayon ay walang makain sa mga evacuation center.”
Liban sa pagpapabaya, pinipipigilan pa umanong bumalik sa kanilang mga komunidad ang mga pamilyang nawalan ng tahanan, gaya ng kaso ng 3,000 pamilyang mula sa Parola Compound, Tondo, Manila pinaplano ng National Housing Authority na ilikas patungo sa mga off-city relocation sites.
Nanawagan din ang grupong Alyansa Kontra Demolisyon na magbitiw na lang sa katungkulan kung di nito masosolusyunan ang lumalalang kalagayan ng mga maralitang lungsod. ###
No comments:
Post a Comment