Nanawagan ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap o Kadamay sa mga maralitang lungsod at iba pang mamamayang taga-hanga ng artistang ni Nora Aunor na sundan ang yapak ng kanilang idolo matapos manawagan ang artista na magbitiw sa katungkulan si Pangulong Aquino sa protestang inilunsad kahapon ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa Mendiola.
Ginunita kahapon ng iba't bang grupo sa pangunguna ng Migrante International ang ika-20 anibersaryo ng pagbitay kay Flor Contemplacion, isang OFW na hintulan ng kamatayan sa bansang Singapore noong 1995.
Ayon kay Carlito Badion, national secretary-general ng Kadamay, tumpak na tumpak umano ang mensahe ni Aunor kay Pangulong Aquino na magbitiw dahil sa kapalpakan nito sa pagresolba sa lumalalang kawalang trabaho sa bansa sa ilang taon nitong panunungkulan. Kasabay ng Labor Export Policy na masugid na tinatangkilik ni Aquino, ang kawalang ng regular na trabaho sa bansa na mayyynakabubuhay na sahod umano ang pangunahing dahilang kung bakit libu-libo Pilipino kada-araw ang napipilitang mangibang-bansa, ayon sa artista.
Samantala, hinikayat ng Kadamay ang mga maralita, kapwa Noranians at hindi, lalo na ang mga walang trabaho, na tuluyan nang pawiin ang ilusyong ng kaunalarang pilit na ipinapalabas ng administrasyong Aquino.
Sa katunayan, pinakamataas umano sa kasaysayan ng bansa ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho at ang dumadausdos na tunay na halaga ng sahod para sa iilang may trabaho. Ayon sa Kadamay, aabot sa 12-13 milyong Pilipino ang tunay na bilang ng mga walang trabaho sa bansa. Nasa likod umano nito ang kawalan ng tunay na industriyalisasyon sa bansa na ipinapatupad ni Aquino alinsunod sa mga neoliberal na patakarang dikta ng mga imperyalistang bansa gaya ng Estados Unidos.
Patuloy umano naman ang pagbaba ng tunay na halaga ng kita ng mga Pilipino sa bansa dahil sa pagtaas ng mga presyo ng mga bilihin at dahil sa pribatisasyon ng mga serbisyo na ipinapatupad ni Aquino, gaya ng pagsasapribado ng mga unibersidad, ospital at pampublikong transportasyon.
"Tanging ang paglabas sa lansangan sa mga maralita at ang kanilang malakas na panawagan na pagbibitiw sa katungkulan ni Aquino ang sasagot sa malawak na kawalang trabaho sa bansa at mababang sahod," ani Badion.
"Kailangang palitan si Aquino ng isang konsehong transisyon na siyang agarang magababalangkas ng mga programa na pangmatagalang sasagot sa kawalang trabaho sa bansa at magtatakda ng sapat at nakabubuhay na pambanasang minimum na sahod para sa mamamayan.
Ito rin umano ayon sa Kadamay ang magbibigay ng hustisya para sa mga biktima ng kriminal na kapabayaan ni Aquino sa mga maralita at sa mga OFW.
Samantala, sa tala ng Migrante, hindi bababa sa 6 na OFW ang binitay sa ibang bansa kagaya ni Flor Contempacion sa loob lamang ng mahigit apat na taong panunungkulan ni Aquino. Ito umano ang pinakamalaki sa kasaysayan ng isang Pangulo. Pabayang pangulo umano si Aquino para sa aabot sa 13-15 milyng OFW, na ang 123 ay naitalang nakahanay na sa death row habang nasa 7,000 naman ang nasa piitan sa ibayong dagat. ###
Larawan kuha ni Joan Bondoc
No comments:
Post a Comment