Habang ang bawat barangay at iba pang institusyon sa Merto Manila ay abala sa isasagawang metro-wide earth quake drill bukas laban sa pinangangambahang 'The Big One,' nagpahayag ng pangamba ang isang grupo ng mga relocatees mula sa pabahay ng gubyerno sa Rodriguez, Rizal.
Ayon sa Montalban Relocatees Alliance, mariin nilang kinokondena ang kawalang pakialam ng gubyernong Aquino sa pangunguna ng National Housing Authority (NHA) sa kalagayan ng mga maralitang inilikas nito sa mga off-city relocation sites partikular sa Brgy San Jose at San Isidro, Rodriguez, Rizal.
Ang mga nasabing baranagay kung saan nakatira ang hindi bababa sa 50-70,000 pamilya ng mga maralitang relocatees ay kanugnog ng Marikina West Valley Faultline.
Makailang ulit na umanong idinulog ng MRA sa lokal na opisina ng NHA sa Kasiglahan Village at sa main office nito sa Quezon City ang kanilang kalagayan ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring plano ang ahensya para maiwasan ang posibleng trahedya sakaling dumating ang 'The Big One."
Matatandaang noong Abril 25, 2015, isang 7.3 magnitude na lindol ang yumanig sa bansang Nepal. Mahigit ang 8,500 ang kaagad nasawi. Higit 23,000 ang nasaktan. Isa umano ito sa pinakamalalang sakuna na tumama sa sangkatauhan kahanay ng Yolanda Tragedy na sumalanta sa Kabisayaan noong 2013.
37,000 casualty sa MM at Rizal
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PhiVolcs), ang ahensya ng gubyerno na nag-aaral sa lindol sa bansa, hindi malayong mangyari din sa Pilipinas ang isang malakas na lindol at trahedya na kahalintulad ng naganap sa Nepal.
Dapat umanong paghandaan na ng mga Pilipino, lalo na ang mga nakatira malapit sa Marikina West at East Valley Faultline ang trahedya.
Batay sa Earthquake Impact Reduction Study na isinagawa ng PhiVolcs, hinog ang Marikina Faultline na ito na gumalaw at kung yayanig ito sa lakas na 7.2 magnitude, aabot sa 37,000 katao ang maaring mamatay sa Metro Manila at Rizal.
Mahigit 100,000 naman ang inaasahang masaktan. Kasama sa tatamaan ang mga pabahay ng gubyerno sa Montalban.
Kalidad ng murang-pabahay sa bansa
Samantala, mula sa isang inspeksyon at konsultasyon na isinagawa ng Montalban Relocatees Alliance (MRA) noong Hulyo 5 kasama ang mga ilang engineer mula sa Advocates of Science and Technology for the People o Agham, mistulang isang ‘libingan’ ang sasapitin ng mga pabahay sa Montalban kapag dumating ang ‘The Big One.’
Binanggit din mga eksperto ang isang eksperimento na ginawa ng mga Hapones sa University of Tokyo. Sa kanilang pag-aaral sa tatag ng mga murang pabahay o low-cost housing sa Pilipinas, isang construction worker na Pinoy ang kanilang dinala sa Japan at pinagtayo ng pabahay na kagaya ng modelo at kalidad ng murang pabahay sa bansa. Matapos itong isalang sa isang malakas na pagyanig, gumuho ang nasabing pabahay.
Inisyatiba ng mga maralita
Ayon kay Mercy Meriles, tagapagsalita ng MRA, sa kabila ng mga pag-aaral na ito, at ng mga babala mula mismo sa PhiVolcs, walang konkretong sagot an gubyerno para iligtas ang kanilang buhay ng mga relocatees.
Hindi umano malayong sapitin din ng mga relocatees ang trahedyang sinapit ng mga kababayan natin sa Tacloban dahil sa pagpapabaya umano ng disaster president sa Malacanang.
"Ang malupit pa, hindi natin alam kung anong araw at oras darating ang ‘The Big One," kaya naghihintay na lang kaming kainin ng buhay ng mga pabahay na itinayo ng gubyerno. Mula ‘danger zone,’ inilpat kami ng gubyerno sa mga 'death zone,' ani Merriles.
Dagdag pa ng lider, "Kasing lupit ng peligrong hatid ng lindol, marami sa amin ang patuloy na nangangamba sa banta ng pagbaha sa relokasyon. Hindi malayon maulit ang trahedyang naganap noong Agosto 2013 nang lumubog sa taas-bubong na baha ang ilang bahagi ng relokasyon. At kagaya ng lindol, sinong makakapagsabi sa pagdating baha kapag bumuhos nang walang humpay ang ulan."
"Kung walang aksyon ng NHA, pangungunahan na ng mga samahan sa relokasyon para matiyak ang aming kaligtasa," pahabol ng lider.
Diyalogo sa LGU ngayong umaga
Ngayong umagang ito, tumungo rin ang mga lider ng MRA sa tanggapan ni alkalde ng bayan na si Mayor Ilyong Hernandez para idulog ang kanilang kahilingan.
Samantala, ayon naman sa TF Relocatees, isang kalipunan ng mga alyansa at grupo ng maralita sa mga government's relocation sites, kinukulimbat umano ng gubyernong Aquino ang pondo para sa pabahay ng mga maralita kasabawat ang mga negosyante ng murang pabahay.
Kung sa tamang programa dinala ng gubyerno ang bilyun-bilyong pisong pondo para sa pabahay, kabilang ang kada-taong P10 bilyong Informal Settler Fund, maraming matitibay na pabahay na sana ang naitayo na ng gubyerno--pabahay na may sapat na pasilidad at malapit sa hanapbuhay.
Mafia sa likod ng programang pabahay ni Aquino
Partikular na kinondena ng TF Relocatees si Pangulong Aquino, NHA General Manager Chito Cruz, Executive Secretary Paquito Ochoa, kasama si Speaker Sony Belmonte, bilang umano'y malaki ang papel sa korapsyon sa pondo sa pabahay ng mga maralita.
Ayon kay Carlito Badion, convenor ng TF relocatees, ang mga nabanggit na opisyal sa admistrasyong Aquino na siya nasa likod ng mafia sa pabahay ng gubyerno na nakikipagsabwatan sa mga malalaking negosyante sa pabahay gaya ng New San Jose Builders, Inc (NSJB).
Sa kaila ng kaliwa't kanang reklamo sa NSJB, ang nasabing low-cost housing firm pa rin umano ang nakakuha sa kontrata ng pagtatayo sa pabahay ng mga maralita.
Si Gerry Acuzar na may-ari ng NSJB at bayaw ni ES Ochoa, at kilalang nagbibigay ng malaking electoral campaign donation sa mga pangulong maluklok sa Malacanang.###

No comments:
Post a Comment