Dahil umano sa talamak na korapsyon ng pondo sa pabahay sa ilalim administrasyong Aquino kaya nawasak ang ilang kabahayan at istruktura sa mga off-city relocation sites ng gubyerno, ayon sa ilang grupo ng mga maralitang relocatees.
Kaugnay nito, nanawagan sila sa mga maralitang nahaharap sa demolisyon partikular ang mga nakatira sa tabi ng daanan ng tubig sa Metro Manila na pag-isipan nang husto ang boluntaryong paglilikas na ginagawa sa kanila ng gubyerno patungo sa mga off-city relocation site kahit ngayong panahon ng tag-ulan.
Kaugnay nito, nanawagan sila sa mga maralitang nahaharap sa demolisyon partikular ang mga nakatira sa tabi ng daanan ng tubig sa Metro Manila na pag-isipan nang husto ang boluntaryong paglilikas na ginagawa sa kanila ng gubyerno patungo sa mga off-city relocation site kahit ngayong panahon ng tag-ulan.
Ayon sa grupong Task Force Relocatees (TF Relocatees), ipinakita umano ng walang-tigil na pag-ulan dulot ng hanging habagat na pinag-ibayo ng bagyong si Falcon na mas maituturing na danger zone ang mga pabahay ng gubyerno kumpara sa mga komunidad ng mga maralita sa gilid ng mga ilog at estero sa Metro Manila.
Nitong Huwebes, nawasak ng 3 housing unit sa San Jose Heights, Brgy. Muzon, San Jose Del Monte, Bulacan matapos gumuho ang lupang kinatitirikan ng mga ito patungo sa katabing estero. Ang San Jose Heights ay nangunguna sa listahan ng mga off-city relocation sites ng National Housing Authority (NHA) na pinagdadalahan ng mga maralitang nakatira sa tabi ng San Juan River at iba pang daanan ng tubig sa Metro Manila.
Samantala, sa kasabay ding araw, gumuho naman ang riprap sa isang relokasyon sa Rodriguez, Rizal dahil sa lakas ng agos ng tubig sa katabing Montalban River. Matatandaang Agosto 2012, nalubog sa abot-bubong na baha ang libu-libong kabahayan sa Kasiglahan Village, Brgy San Jose sa Rodriguez matapos ang walang-tigil na pag-ulang dala rin ng hanging habagat.
Ayon sa TF Relocatees, resulta ng matinding korapsyon sa pondo sa pabahay ang mga substandard na istrukutra ng mga housing units at ripap sa mga off-city relocation sites ng gubyerno.
Informal Settler Fund
Ang kada-taong P10 bilyong piso na Informal Settler Fund na para sa pabahay ng mga nakatira sa tabing-estero sa Metro Manila, liban sa iba pang pondo para sa pabahay na napupunta sa NHA, ay malinaw na hindi napupunta sa serbisyo para sa mga maralitang lungsod.
Simula Oktubre 2011, naglabas ng P10B pondo ang administrasyong Aquino kada taon para sa in-city housing ng mga maralitang nakatira sa tabing-ilog at estero sa Metro Manila.
Ngunit ayon sa TF Relocatees, sa halip na sa in-city relocation sites na orihinal na planong pagkakagastusan ng ISF, tanging sa mga off-city relocation sites dinadala ng gubyerno ang mga maralitang napalayas mula sa kanilang mga komunidad simula pa noong 2011.
Batay sa datos na nakalap ng grupo, hanggang nitong Setyembre 2015, aabot sa 49,640 na mga housing units na natayo ng NHA, 3,318 dito ang matatagpuan sa mga in-city relocation site sa loob ng Metro Manila, habang nasa 46,322 ang nasa off-city relocation site.
At sa kabila ng bilyun-bilyong pondo, nanatili pa rin umano ang kadusta-dustang kalagayan sa mga off-city relocation sites at ang kawalan ng mga batayang serbisyong panlipunan at pagmumulan ng kabuhayan.
Ang malupit pa umano, kaliwa't kanan din ang peligrong hatid ng pagbaha at maging ng lindol sa mga nasabing pabahay.
Ayon naman sa Montalban Relocatees Allliance (SONA), isang grupo ng mga relocatees sa Rodriguez, Rizal sa ilalim ng TF Relocatees, napag-alaman nila mula sa ilang eksperto mula sa AGHAM na kanilang kinunsulta hinggil sa structural integrity ng mga pabahay sa relokasyon, magiging isang 'libingan' ang mga relocation sites ng NHA sa Brgy San Jose at San Isidro, Rodriguez sakaling dumating ang isang malakas na lindol.
Liban sa madalas na abot-bubong na pagbaha, nangangamba rin ang mga relocatees sa epekto ng paglindol ang kanilang mga pabahay sa Rodriguez ay parehas nakatayo katabi ng Marikina Valley Faultline.
SONA ni Aquino
Noong nakaraang State of the Nation Address, ipinagmalaki ni Pangulong Aquino ang kalagayan ng mga maralitang inilikas ng gubyerno sa mga off-city relocation sites ng gubyerno.
Ayon sa TF Relocatees, inaasahan nila na muli na namang pagtatakpan ng gubyerno ang kadusta-dustang kalagayan sa relokasyon sa kanyang SONA ngayong buwan ng Hulyo.
Kung kaya't nakatakda umanong maglunsad ng malalaking protesta sa loob ng mga relocation ang mga maralita sa mga darating na araw bago ang SONA ni Aquino. Kabilang na dito ang isang pambansang koordinadong protesta ng mga relocatees sa ilalim ng TF Relocatees sa darating na Hulyo 22.
Panawagan nila ang agarang pagpapangot kay Aquino sa korapsyon ng bilyun-bilyong pondo sa pabahay ng gubyerno kasabwat ang mga tauhan ng NHA at ang malalaking low-cost housing firm gaya ng New San Jose Builders, Inc at Baque Corporation. Nanawagan din sila ng ng agarang pagtitiyak sa kaligtasan at kabuhayan ng mga relocatees na pinagakuan ng gubyerno ng mas maayos na buhay sa mga pabahay.
god evning poh tanng ko poh kong pano poh mag apply ng bahay poh
ReplyDelete