Translate

Wednesday, November 18, 2009

Mula Central Luzon hanggang Southern Tagalog (ST): Mga isyu ng maralita, patuloy na umiinit tungo sa Disyembre 3 pambansang koordinadong protesta

Kadamay-ST, magvi-vigil sa NHA

Isang araw matapos makiisa ang mga kasapi ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, sa multi-sectoral na caravan tungo sa Hacienda Luisita sa Tarlac, ang mga kasapi naman ng Kadamay-Southern Tagalog (ST) ang magtutungo dito sa Metro Manila upang isiwalat ang mga isyu ng demolisyon at dislokasyon sa kanilang lugar.

Bukas (Nobyembre 18), nakatakdang magsagawa ng vigil ang mga kasapi ng Kadamay-ST, kasama ang mga pambansang lider ng grupo, sa tanggapan ng National Housing Authority (NHA) sa Quezon City, kaugnay sa nagaganap at napipintong pagkawala ng tahanan ng mga maralitang-lungsod bunsod ng mga proyektong NorthRail-SouthRail Linkage Project, Calabarzon Expressway at iba pa, at patungkol sa mga relocation site ng ahensya sa Laguna.

Igigiit ng grupo ang dayalogo sa mga pinuno ng NHA sa kinaumagahan ng vigil (Nobyembre 19), at tutulak naman sa hapon tungo sa tanggapan ng Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) sa Makati, upang magkaroon ng hiwalay na dayalogo doon.

"Matapos ang mga matitinding trahedya, malinaw na umuugong nang muli ang mga isyu ng maralita, na siyang dapat lamang tumampok sa panahong ito kung saan ilang buwan na lamang ay pipili na tayo ng ating mga panibagong lider," ani Bea Arellano, pambansang pangkalahatang kalihim ng Kadamay. "Bahagi ang mga isyung ito sa panawagang pambansang koordinadong protesta ng maralita sa Disyembre 3, na may temang 'Trabaho, Kabuhayan, at Hustisyang Panlipunan.'"

Bilang panimulang pagkilos ng Kadamay-ST, magsasagawa din sila ng piket at dayalogo sa tanggapan ng Gobernador sa Sta. Cruz, Laguna, bago tumulak ng Maynila bukas, kaugnay din sa mga nabanggit na usapin. ##


ADVISORY

Wednesday, November 18
9 AM: Kadamay-ST pickets Office of the Governor in Sta. Cruz, Laguna
Please contact: Jaime Cabuslay, Secretary General, Kadamay-ST 0929.116.6339

6 PM: Kadamay-ST and national leaders hold vigil at NHA (Elliptical Road, Quezon City)
Please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO 0910.975.7660

Thursday, November 19
9 AM: Expected dialogue with NHA leaders

1 PM: Arrival of Kadamay-ST and national leaders at HUDCC (Paseo de Roxas, Makati City)
Please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO 0910.975.7660

No comments:

Post a Comment