Translate

Monday, November 16, 2009

Karaban patungong Hacienda Luisita: Muling engkwentro sa isang ugat ng kahirapan -- grupo

Ang kawalan ng lupa ng mayorya ng mga magbubukid sa kanayunan ay isa sa mga pinaka-ugat ng kahirapan sa bansa, diin ng grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), at ang paglahok ng grupo ng ga maralitang-lungsod sa multi-sektoral na karaban ngayon patungong Hacienda Luisita sa Tarlac ay hakbang upang patuloy na maisiwalat ang realidad na ito.

Ito rin ay tanda ng pakikiisa sa isa sa pinakamakasaysayan, at nananatiling mainit, na usapin ng repormang agraryo sa bansa -- ang pakikibaka ng mga magbubukid sa Hacienda Luisita, na may malalim ding implikasyon sa nalalapit na halalang pampanguluhan.

"Alam natin kung sinong presidentiable ang may pinakamalaking nakataya sa isyung ito," ani Bea Arellano, pambansang pangkalahatang kalihim ng grupo. "Subalit hindi lang si Noynoy ang dapat tumutok sa usaping ito -- sa katotohanan, ito ay mensahe sa lahat ng mga nag-aasam na maging pinuno ng bansa sa susunod na taon. Ito ay pagkilos ng iba't ibang sektor, kabilang ang maralitang-lungsod, upang ilagay bilang sentral na agenda sa 2010 ang tunay na repormang agraryo -- ang unang-unang hakbang para sa pagsugpo ng kahirapan sa bansa." ##


For further detals, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO 0910.975.7660

No comments:

Post a Comment