NEWS RELEASE
07 April 2010
Fernando a "hypocrite", says group
The urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) was up in arms over vice presidential candidate Bayani Fernando's "hypocritical" statements Sunday, where the former MMDA chairman called for a stop to the relocation of Metro Manila urban poor to far-flung areas because "it made their lives more miserable."
"Since when has Bayani Fernando started caring for the urban poor? Now that he needs our votes?," retorted Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, Kadamay chair.
Fernando was known for harsh and oftentimes violent measures against urban poor dwellers and sidewalk vendors during his turn at the MMDA, drawing protests and condemnation from many camps, especially from Kadamay. The group once branded him 'Berdugo ng Maralita' (Butcher of the Poor), a nickname that has since stuck.
"Who was the one who kept sending the urban poor to these far-flung relocation sites? Fernando himself, with his merciless approach to so-called 'informal settlers'. How about his men beating up, destroying the property, and stealing the wares of sidewalk vendors? This is not making lives more miserable?," Nanay Leleng continued.
Instead of further "embarrassing himself", the group said, Fernando should just withdraw from the vice presidential race, admit the error of his ways, and seek to recompense "all those that lost their homes and livelihood to the MMDA."
"Fernando can't expect that by issuing pro-poor statements now, the things he has done in the past will simply vanish. We will never forget, Mr. Fernando. And that's why you will never win," said Nanay Leleng.##
Reference Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, National Chairperson, Kadamay
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660
_____________________________________________
Fernando "ipokrito", anang grupo
"Nagpanting ang aming tainga", ayon sa grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay), grupo ng mga maralitang-lungsod, sa mga "ipokritong" pahayag ni vice presidential candidate Bayani Fernando kamakailan kung saan nanawagan itong itigil na ang relokasyon ng mga maralitang taga-Metro Manila sa mga malalayong lugar, dahil pinalalala lamang umano nito ang kanilang kalagayan.
"Kailan pa nagsimulang magmalasakit si Bayani Fernando sa aming mga maralitang-lungsod? Ngayong kailangan na niya ang aming boto?," sambit ni Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, tagapangulo ng Kadamay.
Nakilala si Fernando sa mararahas na aksyon laban sa mga maralitang komunidad at sidewalk vendors sa kanyang panunungkulan bilang MMDA chair, na naghatid sa kanya ng mga protesta at pagkundena mula sa iba't ibang kampo, laluna sa Kadamay. Binansagan siya noon ng grupo bilang 'Berdugo ng Maralita', isang taguri na tila dumikit na kay Fernando.
"Sino ba ang lagi't laging nagpapadala ng mga maralitang-lungsod sa malalayong relocation sites na ito? Si Fernando, sa kanyang walang-awang demolisyon at pagtataboy sa mga tinaguriang 'informal settlers'. 'Yung pambubugbog, paninira ng kagamitan, at pagnanakaw ng mga paninda sa mga sidewalk vendors ng kanyang mga tauhan, hindi ba 'yan pagpapalala ng kanilang kalagayan?," ani Nanay Leleng.
Sa halip na patuloy niyang "ipahiya ang sarili", ayon sa grupo, dapat umatras na lamang si Fernando sa kanyang kandidatura, aminin ang pagkakamali sa kanyang mga nagawa, at sikaping bumawi sa "lahat ng mga nawalan ng paninirahan at kabuhayan dahil sa MMDA."
"Hindi pwedeng asahan ni Fernando na komo sumisipsip na siya ngayon sa mga maralitang-lungsod, maglalaho na lamang parang bula ang mga nagawa niya sa nakaraan. Hindi kami makalilimot, Ginoong Fernando. At kaya hinding-hindi ka rin mananalo," ani Nanay Leleng.##
Reference Leona 'Nanay Leleng' Zarsuela, National Chairperson, Kadamay
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660
No comments:
Post a Comment