Group raises alarm anew over motorcycle-riding soldiers
Military's presence in metro "cannot be trusted"
NEWS RELEASE
11 April 2010
Reacting to reports that the military have begun deploying soldiers in motorcycles Saturday to patrol Metro Manila against poll-related violence, the urban poor group Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) raised alarm anew over encroaching "urban militarization" and the military's "clear attempts" to influence the elections.
"Election-related violence is a real problem, yet we suspect the military is simply using it as an excuse to justify its growing presence in Metro Manila," said Carlito Badion, Kadamay vice chair. "The real motives being, to intensify its illegal campaigning against opposition and progressive candidates in the elections."
That the military has been doing this is a "matter of fact", says the group, as it holds several reports of activities done by soldiers in urban poor communities around Metro Manila, telling people not to vote for progressive senatorial candidates Satur Ocampo and Liza Maza as well as partylist groups such as Anakpawis.
The group has been calling on the Comelec to investigate these cases of "electioneering and abuse" done by the military, even staging a rally last month in front of the Comelec's Intramuros office.
"Especially now that a 'holdover presidency' seems a legitimate possibility, we can't help but wonder if the military's growing presence here isn't also a strategic maneuver, to secure a vastly-anti-GMA Metro Manila," said Badion. "Knowing the lengths that our military has gone for GMA, especially as regards its human rights record, we have more than enough reason not to trust them." ##
Reference Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660
______________________________________________
Bunsod ng pagpapakalat ng mga sundalong naka-motorsiklo
Grupo, muling nagbabala laban sa militarisasyon ng kalunsuran
Presensya ng militar sa Kamaynilaan, "di-mapagkakatiwalaan"
Bilang tugon sa mga ulat na nagpakalat na ang militar simula Sabado sundalong naka-motorsiklo sa Kamaynilaan upang sugpuin ang karahasan sa halalan, muling nagbabala ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap, grupo ng mga maralitang-lungsod, laban sa lumalaganap na "urban militarization" at ang anila'y "malinaw na pagtatangka" ng militar na impluwensiyahan ang halalan.
"Ang karahasan kaugnay sa halalan ay totoong problema, pero suspetsa namin na ginagamit lang din itong palusot ng militar upang idahilan ang lumolobo nilang presensya dito sa Kamaynilaan," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay. "At ang totoong motibo ay upang palawigin pa ang kanilang iligal na pangangampanya laban sa mga oposisyon at progresibong kandidato sa halalan."
Ayon sa grupo, hindi na lamang ito haka-haka o simpleng alegasyon, pagkat hawak nila ang ilang ulat sa mga aktibidad ng militar sa mga maralitang komunidad ng Kamaynilaan. Tahasan ang paninira at paghihikayat ng mga sundalo upang huwag iboto ang mga progresibong kandidato para Senador, sina Satur Ocampo at Liza Maza, at mga partylist group kagaya ng Anakpawis.
Matagal nang nananawagan ang Kadamay sa Comelec upang imbestigahan ang naturang mga kaso ng "electioneering at abuso" ng militar, kabilang ang pagsasagawa ng protesta sa mismong tanggapan ng ahensya sa Intramuros.
"Lalo ngayon na tila lehitimong posibilidad ang isang 'holdover presidency', hindi rin namin mapigilang mag-isip, kung hindi kaya ang paglaki ng presensya ng militar dito isa ring strategic na maniobra upang makopo ang kontra-GMA na Metro Manila," ani Badion. "Sa pagkakaalam natin sa mga nagawa na ng militar para kay GMA, laluna sa usapin ng mga paglabag sa karapatang-tao, higit pa sa sapat ang mga dahilan para hindi tayo magtiwala." ##
Reference Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660
No comments:
Post a Comment