Translate

Friday, September 17, 2010

Grupo nanawagan sa mga mambabatas: Pigilan ang pagtanggal sa rice subsidies


NEWS RELEASE
17 Sep 2010

Nanawagan ang grupong Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa mga mambabatas, na sa kasalukuyan ay dinidinig ang panukalang 2011 budget, na pigilan ang pagtanggal sa P8-bilyon pondo ng National Food Authority (NFA) para sa subsidyo sa bigas.

"Kung nangangamba ang mga senador sa pag-aaklas ng magsasaka, isama na nila ang pag-aaklas ng maralitang-lungsod dahil sa kawalan ng murang bigas," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay

Nagbabala kamakailan ang ilang mambabatas, kabilang sina Senador Edgardo Angara at Francis Escudero, sa anila'y posibleng "farmers' revolt" sa pagkakatanggal ng P8-bilyon subsidyo, na nakalaan bilang pambili ng NFA ng palay sa mga magsasaka sa mas mataas na halaga. Dito naman manggagaling ang murang bigas na ipagbibili ng ahensya sa mga pamilihan.

Hindi rin umano katanggap-tanggap ang paglalaanan ng naturang pondo, ang 'Pantawid Pamilyang Pilipino Program' (4Ps) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na una nang binatikos ng grupo bilang "mapanlinlang" (Click here to read Kadamay's extended analysis of the 4Ps program). Makakatanggap ang naturang programa ng kabuuang P29 bilyon sa ilalim ng panukalang 2011 budget, bahagi ng P34.3-bilyon nakalaan para sa DSWD.

Suportado ng Kadamay ang pagkwestyon ng mga senador sa 123% pagtaas ng budget ng DSWD, na anila'y "kaduda-duda kung hahantong din sa kapakinabangan ng taumbayan."

Reference Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736
For further details, please contact Jon Vincent Marin, Kadamay PIO | 0910.975.7660

No comments:

Post a Comment