Kataka-taka rin na ang NSJB ang nakakuha sa kontrata sa pagtatayo ng relokasyon sa Montalban samantalang nababalot ito sa kontrobersyal na rekord. Galing mismo sa nilabas na listahan ni Mayor Herbert Bautista na malaki ang pagkakautang ng NSJB sa QC na aabot sa mahigit P8 milyon. Nauna nang lumabas sa investigative report ng PCIJ ang mga maanomalyang kontrobersiyang kinasangkutan ng NSJB.
Hindi lamang dito nakinabang ang NSJB na pagmamay-ari ni Jerry Acuzar na bayaw naman ni Executive Sec. Paquito ‘Jojo’ Ochoa. Maraming kontrata ang ibinigay dito sa ilalim ng administrasyon ni dating Mayor Sonny Belmonte gaya ng sidewalks at garbage collection.
Bakit hinayaan ng nakaraang pamunuan ng Lungsod Quezon, kasama ang nakaraang Konseho ng Lungsod na nagkaisa sa pagpapatupad sa QC-CBD, na makalusot ang mga kahina-hinalang transaksyon sa pagitan ng NHA at ng NSJB? Sadya bang negosyo na ang pagpapatakbo ng gobyerno at hindi na para sa mamamayan nito?
Ang aming mga kagyat na hamon at panawagan:
- Bahagi ng pagtutuwid sa pag-apruba ng nakaraang Konseho ng Lungsod sa QC-CBD at pagbebenta ng administrasyong Belmonte sa libu-libong pamilyang nakatira sa San Roque, pangunahan ng bagong konseho ng lungsod ng Quezon ang imbestigasyon sa maanomalyang kontratang pinasok ng NHA, NSJB, at dating administrasyon ni Sonny Belmonte.
- Ipahinto sa kagyat ang nagaganap na “boluntaryong relokasyon” at mga planong pwersahang demolisyon hangga't hindi pa naiimbestigahan ang mga isyu ng anomalya.
- Bigyang pansin ang kalunus-lunos na kalagayan ng mga pamilyang nalipat sa Montalban at panagutin ang mga responsible sa kawalan ng batayang serbisyo sa komunidad at matinding kawalan ng kabuhayan sa lugar.
- Pag-aralan ang aming panukalang paunlarin ang San Roque kabahagi ang kasalukuyang mamamayang nakatira at umaasa sa kakarampot na ngang kabuhayan sa lugar at sa paligid nito. Public mass housing ang aming panawagan na ipatupad sa San Roque.
- Maglikha ng trabaho at maayos na programang pangkabuhayan kasama ang paghahatid ng mga batayang serbisyong mag-aangat sa kalidad ng pamumuhay para sa mga residente at maging produktibong bahagi ng lungsod at lipunan ang mamamayan ng San Roque.
Ipahinto ang maanomalyang kontrata ng NHA, NEW SAN JOSE BUILDERS (NSJB) at nakaraang adminidtrasyon ni Sonny Belmonte hinggil sa relocation site ng mga taga-North Triangle sa Rodrigeuz (Montalban), Rizal!
Ano ito delaying tactics ng mga Anay ng Bayan??? Isulong ang QC-CBD!!!
ReplyDeletekontra- mamamayan ka rin, isulong ang pagbagsak ng mga kontra mamamayan tulad mo.Ang QC- CBD ay proyektong tulad ng ayala at mga naghaharing uri na pinagsisilbilhan ang maka- imperyalistang mga patakaran at mga neoliberal na globalisasyon, isulong ang tunay na panlipunang pagbabago! Ibasura ang kontra- mamamayang QC- CBD project!
ReplyDeletehabang ang ibang tao nagpapakahirap magtrabaho para magkaroon ng desenteng bahay, itong mga squatters na to gusto ng libreng bahay! ANG KAKAPAL NG MUHKA! ang tagal na nilang tumira dyan ng libre, tama na umalis na sila dyan! gusto lahat libre, gusto puro kaginhawaan agad sa buhay. magtrabaho muna kayo! kapal!!!!!
ReplyDelete