Translate

Wednesday, January 12, 2011

Paglala ng kagutuman, patunay sa kapalpakan ng CCT -- grupo

NEWS RELEASE
12 Jan 2011

Ang paglala ng kagutuman ayon sa pinakahuling survey ng SWS -- kung saan ipinakitang may 3.4 milyong pamilya ang nagugutom, mas mataas nang 400,000 kumpara noong Setyembre ng nakaraang taon -- ay patunay sa kapalpakan ng mga programa ng administrasyong Aquino kontra kahirapan, pangunahin ang conditional cash transfer program o CCT.

"Kahit pinaigting ang mapanlinlang na pagtulong ng gobyerno sa mga mahihirap sa ilalim ng CCT, patuloy pa ring dumarami ang mga mamamayang nakakaranas ng kagutuman bunsod sa kawalan ng trabaho at kabuhayan, pagkapako sa mababang sahod, at pag-alis sa subsidyo sa bigas," ani Carlito Badion, pangalawang pangulo ng Kadamay.

"Kaya ano pa man ang pambobola ng Malacanang,  tiyak ding lolobo pa ang bilang ng nagugutom na Pilipino dala na rin ng napipintong pagtaas ng pamasahe at presyo ng mga bilihin."

Aniya, hindi naman umano tinutumbok ng administrasyong Aquino ang "tunay na ugat" ng kahirapan sa mga programa nito kaya't maasahan na ang patuloy nitong paglala. ##

Reference
Carlito Badion, Kadamay Vice Chair | 0939.387.3736

No comments:

Post a Comment