NEWS RELEASE
02 MARCH 2011
Kasabay ng paggunita ng Fire Prevention Month ngayong Marso, nagbabala ang Kadamay sa mga komunidad ng maralitang lungsod sa posibleng pagdami ng insidente ng pasadyang pagsunog sa mga lugar ng maralitang lungsod.
“Sa maraming pagkakataon, hindi lingid na ang pagsunog ay ang pinakamabilis na pamamaraan ng pagpapalayas at pagdedemolis sa mga maralitang lungsod ang pagsunog sa kanilang tinitirahan lalo na ang tinatamaan ay ang mga lugar na kung saan may ipinapatupad ng mga proyektong [pangkaunlaran]”, ani Carlito Badion, Vice Chairman ng grupo.
Sa unang mga buwan pa lang ng 2011, kalakhan ng mga nasunog na kabahayan ay kumakaharap sa usapin sa demolisyon o iba pang problema sa paninirahan. Isa sa mga ito ang Botanical Area, Brgy. Central na sasaklawin ng proyektong Quezon City Central Business District. Matatandaang hinihinalang sadyang sinunog sa tatlong magkakahiwalay na insidente ang Sitio San Roque sa Brgy Bagong Pag-asa na pilit dinemolis noong Setyembre 2010
Ang ilan pa sa mga komunidad ay ang Brgy. Bahay Toro ng Quezon City, Brgy. San Roque sa Navotas at Brgy. Talaba sa Bacoor, Cavite.
Ayon pa kay Badion, “Hindi lang nito sinisikil ang karapatan sa paninirahan ng mga maralitang lungsod kundi inilalagay pa sa panganib ang aming buhay matupad lang ang kapritso ng mga malalaking negosyong dayuhan at lokal”
Hinamon din ng grupo ang gobyerno na imbestigahan ang mga insidente ng sunog sa mga nasabing maralitang komunidad. “Mismong mga residente na mismo ang nagsasabi na may foul play sa kalakhan ng mga nasunog na komunidad. Dapat agad na panagutin ang mga mapapatunayang maysala sa sadyang panununog”
Samantala, hinikayat ng grupo na maging mapagbantay ang mga naninirahan sa mga maralitang komunidad na humaharap sa laban ng demolisyon. “Pahigpitin natin ang ating pagkakaisa laban sa demolisyon. Itayo natin ang mga brigada kontra sunog at patatagin ang Barikadang Bayan”, pagtatapos ni Badion ##
Reference Carlito Badion, Kadamay National Vice Chair | 0939.387.3736
HUH? ARE YOU KIDDING? YOU HAVE NO RIGHTS TO BLOCK PHILIPPINE PROGRESSIVE COUNTRY JUST FOR THE SQUATS!! AND 2ND THE LAND IS NOT YOURS!!! SO BACK OUT THERE AND LET THE PROJECT BEGIN!!!
ReplyDeleteWE MORE FILIPINOS ARE AWAITING THIS KIND OF PROJECT, LGU'S ARE GIVING YOU CHANCES TO RELOCATE AND WHAT YOU DO YOU MAKE THEM ANY EMENY!!
PS: THINK NOW BEFORE IT'S TOO LATE!!!
Imbes na anak ng anak, kumayod naman kayo at magbayad kayo ng buwis at ammortisation tulad ng ibang mga Pilipino na umaasenso. Puro asa ng asa sa gobyerno, wala namang ginagawa puro good time at katamadan. Ang lalakas ng loob magtarayan at makibaka wala naman dinudulot na kabutihan sa Pilipinas. Kung ayaw niyo maghirap, tama na ang pagtatarik and pagbubuntis. Magisip naman kayo diyan! Hindi lahat libre.
ReplyDelete